Tuesday , December 24 2024

‘Summer session’ ng Korte Suprema sa Baguio

MAGKAKAROON ng “summer session” ang Korte Suprema sa Baguio City next month.

Taun-taon itong ginagawa ng Sumpreme Court Justices sa summer capital ng bansa, kungsaan nakakapag-relax sila sandali bago busisiin ang mga kontrobersiyal at mahahalagang kaso.

Inaasahang tatalakayin o dedesisyunan dito ang mgakontrobersiyal na RH Bill, Disbursement Acceleration Program (DAP) ni P-Noy, at ilan pang kaso ng mga politiko na nakabinbin sa Kataastaasang Hukuman.

Kaabang-abang ito. Gabayan nawa sila ng Panginoon…

Open na ang sakla sa Maynila

– Mr. Venancio. Grabe na po ngayon dito sa Maynila. Nagsulputan na po ang mga sakla dito sa amin sa Binondo, sa Barcelona st. corner Jaboneros Lara. Pag gabi po may nakalatag na sakla. Sakop po kami ng Station 11 (MPD) PCP-San Nicolas. Bakit wala po magawa mga pulis dito? Alyas “Boy Soro” ang naglagay. Wag nyo nalang po ilabas ang numero ko. – Concerned citizen

Hindi lang sa Binondo nagsulputan ang mga sakla, maging sa Tondo ay talamak narin ito.

Ang nagbigay daw ng bendisyon para sa pagbukas ng sakla sa Maynila ay nagngangalang “Jude” na taga-San Juan! Batid daw ito sa City Hall! Ganun?

Noong panahon ni Mayor Alfredo Lim, walang sakla sa Maynila. Ibig sabihin, nasa alkalde lang yan. Kung ayaw ng iligal ng mayor, walang iligal. Gets nyo?

Grabeng bentahan ng shabu sa Tambunting

(Sta. Cruz, Manila)

– Mr. Venancio, report ko lang po dito sa lugar namin sa Tambunting, umaga palang po ay makikita nyo na ang bentahan ng shabu! Ala-sais palang po ng umaga nakaabang na dito sa eskinita ng kanilang mga parokyano ang mga tulak. Nakalulungkot pong isipin na walang aksyon ang tseman dito. Madalas na pong ma-raid ang lugar namin pero sadyang madulas ang tulak dito o baka may nagtitimbre rin sa kanila na may mangyayaring raid. Wag nyo po ilabas ang numero ko. – Concerned citizen

Totoo ito. Matagal nang balita ang talamak na bentahan ng shabu sa naturang lugar kungsaan nakatira ang isang konsehal na mukha ring adik!

‘Unfair’ na pamimigay

ng tulong sa Yolanda victims sa Dulag, Leyte

– Gud day, Mr. Venancio. Reklamo ko lang po yung tungkol sa pamimigay ng tulong sa victims ng Yolanda dito sa Leyte. Kasi po dito sa Brgy. Serrano, Dulag, Leyte, napaka-unfair yung ginagawa nilang pamamahagi ng tulong. Hindi lahat ng pamayanan dito e nabibigyan. Sa dahilan po ng maling pamamalakad ng barangay captain at barangay secretary. Pamilya lang nila ang mas binibigyan ng sapat na tulong at yung iba wala na. Ang gnagawa nila tinatanggal nila sa listahan ang mga taong dapat talagang tulungan. Ang paliwanag lang po nila, wala raw magagawa yung mga tao sa kung ano man yung gustuhin nila o kung sino ang gusto niyang mabigyan ng tulong. Hingi po kami ng tulong  at advise. Maraming salamat po. Sana po maitago nyo ang numero ko para sa kaligtasan ko. -Concerned resident ng Brgy. Serrano, Dulag, Leyte

Dumiretso na po kayo sa inyong mayor o sa DSWD dyan sa inyong bayan.

Nagkalat ang VK sa Malabon

– Mr. Venancio, talamak na naman ang video karera dito sa Malabon City. Tatlo po ang operator dito. Sina Chato Go sa Concepcion, si Jojo sa Maysilo at si Alex Manalac sa Tinajeros. Ang mayor namin na si Lenlen Oreta kahit anong sumbong ang gawin naming mga concerned citizen dedma lang sya. Panay lang ang kanyang payaman. Meron na ngang grand casino dito, video karera hindi mapatanggal. – 0912276…

In fairness kay Mayor Oreta, ang hepe ng pulisya ang dapat kumilos dyan laban sa mga iligal na sugal. Sino ba hepe nyo dyan sa Malabon City? Baka malaki ang “timbre” sa kanila ng mga pesteng makinang yan? Hindi lang VK ang nagkalat dyan kundi maging sakla at jueteng! Lahat na yata ng iligal na sugal ay dyan sa Malabon matatagpuan e. Grabe!

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc.,  Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 0919-3297810 / E-mail add: [email protected]

Joey Venancio

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *