Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

PRC director nag-walkout sa oathtaking ng Pharmacists (Dress code hindi sinunod ng mga manunumpa)

ILOILO CITY – Naunsyami  ang  oathtaking ceremony ng newly licensed pharmacists na gaganapin sana sa lungsod ng Iloilo kamakalawa ng gabi.

Ito ay sinasabing dahil hindi sinunod ang tamang dress code.

Ayon kay Director Lily Ann Baldago ng Professional Regulation Commission (PRC) Region 6, 10 minuto bago ang seremonya, dumating siya upang pangunahan ang aktibidad.

Ngunit nadesmaya ang director nang makitang ilan sa mga manunumpa ay nakasuot nang maikling damit, sobrang hapit sa katawan at lumalabas ang cleavage, at naka-sleeveless pa ang iba.

Aniya, ayaw niyang konsintihin ang hindi pagsunod ng mga pharmacist sa simpleng patakaran ng mga professional kaya’t hindi itinuloy ang seremonya at umalis siya bago pa man ito simulan.

Nilinaw ng director na maaaring mag-request ang grupo ng ibang petsa para sa oathtaking ceremony at umaasa na susundin na ng mga manunumpa ang tamang dress code. (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Cargo ship fire Manila North Harbor

Cargo ship tinupok ng apoy; 3 sugatan sa Manila North Harbor

TATLONG indibiduwal ang iniulat na sugatan matapos tupukin ng apoy ang isang cargo vessel na …

Leilani Lacuna

Mayor Isko, Atienza sinampahan ng kasong graft, grave misconduct sa Ombudsman

NAGHAIN ng reklamo si dating Liga ng mga Barangay Manila president Leilani Lacuna, na kapatid …

Alan Peter Cayetano

Cayetano pinapopondohan rehiyong may malalang bilang ng mga bansot

NABABAHALA si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa aniya’y tumataas na kaso ng pagkabansot …