Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Messenger namboso na nang-video pa kalaboso

INARESTO at ikinulong ang 33-anyos messenger nang mabuko ang pamboboso at ini-video pa ang dalagang kapit-kuwarto, habang naliligo sa loob ng banyo, sa Taguig city,  kamakalawa ng gabi.

Nabisto ng 28-anyos dalaga, na itinago sa pangalang Marlie, ang paninilip ng suspek na kinilalang si Elmer Lapid, nang kumislap ang cellphone niyang gamit sa pagkuha ng larawan habang naliligo ang biktima.

Sa pahayag ng dalaga kay PO2 Sarah Valderama ng Women and Children’s Protection Desk (WCPD) ng Taguig police, dakong 9:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng banyo ng inuupahang boarding house sa Barangay Western Bicutan, ng lungsod.

Agad humingi ng tulong sa mga pulis ang dalaga at nang komprontahin ang suspek, napilitang ilabas  ni Lapid ang kanyang cellphone na naglalaman ng video at larawan ng dalaga habang naliligo.

Nakapiit na sa detention cell  ng Taguig PNP si Lapid at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9995 o Anti-Photo and Video Voyeurism Act.(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …