Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sanggol, 2 paslit, lolo, 4 pa todas sa sunog

WALO katao ang natusta nang lamunin ng apoy ang 100 kabahayan sa Tinajeros, Malabon city, at sa Zamboanga  City kahapon.

Apat sa mga biktima ng sunog sa Malabon ay kinilalang sina Tomas Cruz, 72, lolo; Maylene Cruz-Mateo, 38, ina ng dalawang batang sina Lelei, 10 anyos  at Raylei, 5 anyos, magkakasama sa isang bahay  sa Espiritu St., Brgy. Tinajeros habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng tatlong biktima na halos hindi makilala dahil sa pagkasunog.

Sa ulat ni PO2 Benjamin Sy, dakong 3:20 ng madaling araw nang magsimula ang apoy sa hindi nabatid na dahilan na tumupok sa  100 kabahayan sa  nasabing lugar.

Tinatayang nasa P1.5 milyon halaga ng mga ari-arian ang tinupok ng apoy at kumitil ng  pito katao kabilang ang dalawang paslit.

Sa imbestigasyon ni SFO2 Alvino Torres, fire investigator ng Malabon City Bureau of Fire Protection, hindi pa tukoy kung ano ang pinagmulan ng sunog na umabot sa Task Force Alpha at naapula dakong 6:00 ng umaga.

(rommel sales)

SANGGOL NATUSTA SA SUNOG

NALITSON nang buhay ang isang sanggol nang makulong sa nasusunog na bahay sa Zamboanga City nitong Martes ng gabi.

Tostado na ang buong katawan ng biktimang sanggol na si Sheena Kasim nang matagpuan sa kwarto sa kanilang bahay sa Sampaguita Road, Guiwan nang ideklarang fireout ng mga bombero makalipas ang kalahating oras.

Kwento ng tiyahin ng sanggol na si Gretchen Napii, iniwan niya sa kwarto si Kasim habang may nakasinding kandila at kumain siya sa kusina hanggang mapansin na may usok na lumalabas mula sa kwarto.

Sinikap niyang iligtas ang sanggol ngunit malaki na ang apoy kaya napilitang lumabas na lamang ng bahay ang tiyahin.         (BETH JULIAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Cargo ship fire Manila North Harbor

Cargo ship tinupok ng apoy; 3 sugatan sa Manila North Harbor

TATLONG indibiduwal ang iniulat na sugatan matapos tupukin ng apoy ang isang cargo vessel na …

Leilani Lacuna

Mayor Isko, Atienza sinampahan ng kasong graft, grave misconduct sa Ombudsman

NAGHAIN ng reklamo si dating Liga ng mga Barangay Manila president Leilani Lacuna, na kapatid …