Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Blackwater makaaakyat sa PBA

MALAPIT na ang pagpasok ng Blackwater Sports bilang ika-11 na miyembro ng Philippine Basketball Association.

Nakipagpulong ang team owner ng Blackwater na si Dioceldo Sy kay Komisyuner Chito Salud, Tserman Ramon Segismundo at media bureau chief Willie Marcial noong isang gabi sa isang restaurant sa Lungsod ng Quezon tungkol sa pagnanais ng Elite na makapasok sa liga bilang expansion team.

Naisumite na kahapon ni Sy ang nasabing letter of intent para makapasok ang kanyang kompanya sa liga at pag-uusapan ito sa board meeting ng PBA sa Marso 6.

“It was an informal meeting pero I think they already accepted us (our application). Kilala naman nila tayo eh. Alam nila na we can run a team,” ani Sy. “And we will not be a farm team. I have my credibility to protect.”

Bukod sa Blackwater, may intensiyon din ang North Luzon Expressway na sumali sa PBA.

Parehong galing sa PBA D League ang dalawang kompanya.

“Pinag-usapan nga (noong Miyerkoles) but it has to go through the approval process,” ani NLEX team owner Manny V. Pangilinan.  “Kailangang pag-isipan pa. Nasa PBA na rin ‘yun.”

Natuwa si Segismundo sa intensiyon ng Blackwater at NLEX na pumasok sa PBA.

“This is very good news for PBA fans, our basketball nation, and our best basketball players who will now be afforded more opportunities,” ani Segismundo.

Samantala, sang-ayon ang team owners ng Rain or Shine na sina Raymond Yu at Terry Que sa pagpasok ng Blackwater sa PBA.

“Dioceldo (Sy) is a good friend of ours and we played against them in the PBL. But they have to go through the board. We know he is passionate about basketball like us,” ani Yu. (James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …