Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Alaska kampeon sa Cebu

NAKUHA ng Alaska Milk ang titulo sa 2014 Cebu Charter Day Cup pagkatapos na pataubin nito ang Natumolan-Tagoloan Tigers, 96-86, noong Linggo sa New Cebu Coliseum.

Humataw si Sonny Thoss ng walo sa kanyang kabuuang 17 puntos sa huling limang minuto upang gabayan ang Aces sa pagwalis ng tatlo nilang laro sa torneo.

Nanguna sa opensa ng Alaska ang import nilang si Rob Dozier na gumawa ng 20 puntos samantalang 11 puntos naman ang naitala ni Calvin Abueva.

Sa unang laro, pinabagsak ng Globalport ang Talk ‘n Text, 85-79, sa pangunguna ng 22 puntos ni import Evan Brock at 14 naman mula kay Terrence Romeo.

Ang torneong ito ay bahagi ng paghahanda ng Aces, Batang Pier at Tropang Texters para sa PBA Commissioner’s Cup na lalarga na sa Marso 5.

(James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Pinoy para athletes Asian Youth Para Games

Pinoy para athletes, hangad ang medalya sa Asian Youth Para Games

DUBAI, United Arab Emirates — Handa na sina Chester Rabanal at Christian Pepito para sa …

Cayetano SEA Games

Cayetano, todo suporta sa Philippine delegation sa 33rd SEA Games sa Thailand

PINANGUNAHAN ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang send-off para sa tatlong pambansang koponan …

Milette Santiago-Bonoan Mike Barredo Goody Custodio

Team Philippines Handa na sa Asian Youth Para Games sa Dubai

Dubai, UAE – Buong tiwala ang Team Philippines na mauulit o malalampasan nila ang kanilang …

POC Abraham Tolentino

Obiena at Iba Pang Atleta, Hindi Dadalo sa Opening Rites

BANGKOK – Hindi dadalo sa opening ceremonies, kabilang ang parada na pangungunahan ng two-time Olympian …

SEAG Baseball Clarance Caasalan

PH batter, winasak ang Malaysia para manatiling perpekto sa tatlong laban

PATHUM THANI, Thailand—Nagpatuloy ang Pilipinas sa kanilang panalo sa kompetisyon ng men’s baseball sa ika-33 …