Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Wade maglalaro sa All-Star

MAGLALARO si Miami Heat guard Dwyane Wade para sa Eastern Conference team sa 2013-14 National Basketball Association, (NBA)  All-Star Game ngayong araw sa New Orleans.

Subalit ayon sa 2006 NBA Finals MVP Wade mga ilang minuto lang siyang makakapaglaro dahil nagpapagaling pa ito sa kanyang injury.

Sa huling dalawang laro at panalo ng Heat, hindi nakapaglaro si Wade, kinunsulta nito ang kanyang coach na si Erik Spoelstra at ang magiging coach ng East na si Indiana Pacers head coach Frank Vogel tungkol sa status nito sa All-Star.

Hindi naglaro si Wade nang pataubin ng Heat ang Phoenix Suns dahil sa kanyang migrain headache at pinanood lang din ang laban nila kontra Golden State Warriors dahil naman may injury ang kaliwang paa nito.

“It’s back. It’s not drop no more. It’s back,” nagpapatawang sabi ni Wade.

Ayon kay Wade maganda ang pakiramdam nito ng dumating sa New Orleans.

Pang-10 na ni Wade bilang All-Star member at nakakatatlong kampeonato na rin ito sa NBA.

(ARABELA PRINCESS DAWA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Pinoy para athletes Asian Youth Para Games

Pinoy para athletes, hangad ang medalya sa Asian Youth Para Games

DUBAI, United Arab Emirates — Handa na sina Chester Rabanal at Christian Pepito para sa …

Cayetano SEA Games

Cayetano, todo suporta sa Philippine delegation sa 33rd SEA Games sa Thailand

PINANGUNAHAN ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang send-off para sa tatlong pambansang koponan …

Milette Santiago-Bonoan Mike Barredo Goody Custodio

Team Philippines Handa na sa Asian Youth Para Games sa Dubai

Dubai, UAE – Buong tiwala ang Team Philippines na mauulit o malalampasan nila ang kanilang …

POC Abraham Tolentino

Obiena at Iba Pang Atleta, Hindi Dadalo sa Opening Rites

BANGKOK – Hindi dadalo sa opening ceremonies, kabilang ang parada na pangungunahan ng two-time Olympian …

SEAG Baseball Clarance Caasalan

PH batter, winasak ang Malaysia para manatiling perpekto sa tatlong laban

PATHUM THANI, Thailand—Nagpatuloy ang Pilipinas sa kanilang panalo sa kompetisyon ng men’s baseball sa ika-33 …