Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bakit lay-up ang ginawa ni Tenorio?

NANGYAYARI talaga iyon!

Iyan ang  opinyon ng mga basketball observers patungkol sa lay-up ni LA Tenorio sa huling segundo ng laro ng Barangay Ginebra San Miguel at San Mig Coffee noong Sabado kung saan nagwagi ang Mixers, 79-76.

Lay-up ba talaga ang kailangan ng Gin Kings gayung tatlong puntos ang abante ng mixers?

Pumasok man ang lay-up, talo pa rin ang Barangay Ginebra, 79-78.  Hindi ba?

Sa puntong iyon kasi’y ang kailangan ng Gin Kings ay isang three-point shot upang maitabla ang laro at mapuwersa ang overtime.

So, bakit lay-up ang ginawa ni Tenorio matapos na maipasok ni Justin Melton ang kanyang free throw sa kabilang dulo ng court? Puwede namang tumigil sa three-point area at ibalibag ang bola. Kung pumasok, overtime! Kung hindi, wala tayong magagawa. At least sinubukan.

Hindi ba’t ganito din ang nangyari sa Game Four kung saan matapos makalamang ang Gin Kings, 85-82 ay tumira buhat sa three-point area si James Yap subalit nagmintis sabay ng pagtunog ng final buzzer. Walang overtime.  Talo ang San Mig Coffee.

“Were you not surprised that LA tenorio went for a lay-up instead of taking a three-point shot at the buzzer?” tanong ng isang sportswriter kay San Mig Coffee coach Tim Cone sa interview matapos ang laro.

“I looked at the scoreboard. I knew we had a three-point lead. I had second thoughts. Was it really a three-point lead or just a two point lead? Sometimes you get confused,” ani Cone.

Naalala tuloy niya ang isang game kung saan akala niya’y natalo sila subalit nanalo pala sila ng isang puntos. Galit na galit daw siya pero inakbayan siya ni Jojo Lastimosa at tinanong kung bakit? Hindi raw niya kasi alam na nanalo sila.

“It happens!”

Wala rin sigurong masasabi si  Barangay Ginebra coach Renato Agustin. Ipagdarasal na lang niya na huwag maulit iyon!

Sabrina Pascua

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Pinoy para athletes Asian Youth Para Games

Pinoy para athletes, hangad ang medalya sa Asian Youth Para Games

DUBAI, United Arab Emirates — Handa na sina Chester Rabanal at Christian Pepito para sa …

Cayetano SEA Games

Cayetano, todo suporta sa Philippine delegation sa 33rd SEA Games sa Thailand

PINANGUNAHAN ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang send-off para sa tatlong pambansang koponan …

Milette Santiago-Bonoan Mike Barredo Goody Custodio

Team Philippines Handa na sa Asian Youth Para Games sa Dubai

Dubai, UAE – Buong tiwala ang Team Philippines na mauulit o malalampasan nila ang kanilang …

POC Abraham Tolentino

Obiena at Iba Pang Atleta, Hindi Dadalo sa Opening Rites

BANGKOK – Hindi dadalo sa opening ceremonies, kabilang ang parada na pangungunahan ng two-time Olympian …

SEAG Baseball Clarance Caasalan

PH batter, winasak ang Malaysia para manatiling perpekto sa tatlong laban

PATHUM THANI, Thailand—Nagpatuloy ang Pilipinas sa kanilang panalo sa kompetisyon ng men’s baseball sa ika-33 …