Saturday , November 23 2024

HS stud dinukot pinatay sa Pampanga (Nakipagkita sa nililigawan)

021014_FRONT
NATAGPUANG patay ang 15-anyos binatilyo makaraang dukutin sa Arayat, Pampanga.

Ayon sa ama ng biktimang si Mike Aron Tolentino, nagpaalam ang binatilyo nitong nakaraang linggo na pupunta sa bahay ng kanyang kaklase para sa school group project ngunit magmula noon ay hindi na nakauwi.

Ngunit nabatid ng ama na umalis ang biktima para makipagkita sa nililigawan niyang babae.

Ayon sa testigo, huling nakita si Mike sa Sta. Monica, San Luis, Pampanga, habang pwersahang pinasasakay sa puting van.

Sinabi ng testigo na nakita nilang binubugbog ng ilang kalalakihan ang binatilyo na nagmamakaawang itigil na ang pananakit sa kanya.

Ang bangkay ng biktima ay natagpuan sa Arayat, Pampanga tatlong araw makaraang huli siyang makita.

Ngunit dahil walang kumukuha sa bangkay, agad itong inilibing.

Nang marinig ng pamilya Tolentino ang insidente agad silang nagtungo sa Arayat Police Station upang suriin ang bangkay. Sa mga larawan pa lamang ay agad nilang nakilala ang bangkay ng biktima.

Dagdag ng pamilya, nakatanggap ng pagbabanta si Mike dalawang linggo bago siya dukutin.

Nakita rin ng kapatid ng biktima na tinututukan ng baril ang binatilyo ng isang lalaki.

Sa inisyal na imbestigasyon, sinabi ng pulisya na posibleng tinurtyur muna ang binatilyo bago pinatay. Nabatid din pinatay sa sakal ang biktima.

Natukoy na ng pulisya ang ilan sa mga suspek na kakasuhan ng murder at paglabag sa Republic Act 7610, o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

Mary Jane Veloso

Mary Jane Veloso uuwi na — Marcos

KINOMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na uuwi na sa Filipinas si Mary Jane Veloso …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *