Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Petron tatapusin na ng RoS

DEHADO man dahil wala ang kanilang head coach, hindi pa rin ubrang maliitin ang Rain Or Shine kontra Petron Blaze sa Game Five ng best-of-seven semifinal round ng PLDT myDSL PBA Philippine Cup mamayang 8 pm sa  Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.

Nagawa ng Elasto Painters na magwagi, 88-83 sa Game Four noong Lunes kahit pa na-thrown out si coach Joseller “Yeng” Guiao.  Dahil doo’y nakalamang sila sa serye, 3-1 at kung makakaulit sila mamaya ay didiretso na sila sa best-of-seven Finals.

Si Guiao ay na-thrown out matapos na matawagan ng ikalawang technical foul bunga ng pagmumura sa referee may 6:30 ang nalalabi sa third quarter. Lamang ang Petron, 60-54 sa yugtong iyon.

Sa paglabas ni Guiao sa hardcourt ay pinasulutan niya ang direksyon ng Commissioner’s row. Dahil doon ay ipinatawag siya at pinagpaliwanag ni Commissioner Chito Salud.

Si Guiao at sinuspindi ng isang laro at pinagmulta ng P100,000.

Pangalawang sunod na pagkakataon nang na-thrown out si Guiao sa serye. Na-thrown out din siya may higit isang minuto ang nalalabi sa Game Three at nagwagi ang Petron, 106-73.

Ang hahawak sa Elasto Painters mamaya ay si assistant coach Caloy Garcia na nagsabing susundan na lang nila ang game plan at umaasa siyang magiging maganda ang execution ng mga manlalaro.

Ang ibang sasandigan ni Garcia ay sina Gabe Norwood, Beau Belga, Paul Lee, JR Quinahan at mga rookies na sina Raymond Almazan at Alex Nuyles.

Kahit pa kailangan ng kanyang koponan na magwagi sa tatlong sudden-death matches upang umabot sa Finals, naniniwala si Petron Blaze coach Gelacio Abanilla IIII na kaya nilang gawin ito. Ang Boosters ay nakapagposte ng malaking kalamangan subalit nawala hindi lang sa Game Four kungdi pati sa Game Two kung saan lumamang sila ng 16 puntos pero natalo, 103-94. Natalo din sila sa Game One, 103-95.

Sa Game Four ay naglaro ng 44 minuto ang higanteng si June Mar Fajardo at gumawa ng 44 puntos.

Pero kakailanganin ni Fajardo ng tulong buhat sa mga tulad nina Cabagnot, Arwind Santos, Chris Lutz at Marcio Lassier upang makaiwas sa pagkalaglag ang Boosters.

ni SABRINA PASCUA

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Pinoy para athletes Asian Youth Para Games

Pinoy para athletes, hangad ang medalya sa Asian Youth Para Games

DUBAI, United Arab Emirates — Handa na sina Chester Rabanal at Christian Pepito para sa …

Cayetano SEA Games

Cayetano, todo suporta sa Philippine delegation sa 33rd SEA Games sa Thailand

PINANGUNAHAN ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang send-off para sa tatlong pambansang koponan …

Milette Santiago-Bonoan Mike Barredo Goody Custodio

Team Philippines Handa na sa Asian Youth Para Games sa Dubai

Dubai, UAE – Buong tiwala ang Team Philippines na mauulit o malalampasan nila ang kanilang …

POC Abraham Tolentino

Obiena at Iba Pang Atleta, Hindi Dadalo sa Opening Rites

BANGKOK – Hindi dadalo sa opening ceremonies, kabilang ang parada na pangungunahan ng two-time Olympian …

SEAG Baseball Clarance Caasalan

PH batter, winasak ang Malaysia para manatiling perpekto sa tatlong laban

PATHUM THANI, Thailand—Nagpatuloy ang Pilipinas sa kanilang panalo sa kompetisyon ng men’s baseball sa ika-33 …