Saturday , November 23 2024

Vhong deretso sa korte mula sa ospital

MAKARAAN ang dalawang linggo matapos ang pambubugbog kay Ferdinand “Vhong” Navarro, nakalabas na ng ospital ang TV host/actor.

Mula sa St. Luke’s Medical City, dumiretso ang convoy ni Navarro sa Department of Justice para panumpaan ang kanyang salaysay.

Pinagkaguluhan ng mga tao si Navarro pagkalabas sa ospital ngunit agad isinakay sa van.

Noong nakaraang linggo nang sumailalim sa reconstructive surgery ang 37-year-old TV host matapos mabasag ang ilong dahil sa pagbugbog ng grupo ng negosyanteng si Cedric Lee. Dumaan din si Navarro sa post-traumatic stress therapy.

Anim na kaso ang isinampa ng kampo ng aktor laban kina Lee at Deniece Cornejo, kabilang ang serious physical injuries, grave threat, grave coercion, illegal detention, unlawful arrest, at blackmail.

Sa inilabas na CCTV footage ng National Bureau of Investigation mula sa lobby at elevator ng condominium sa Taguig, pawang tugma ang mga detalye na isinawalat ni Navarro partikular ang pahayag na walang nangyaring rape sa model/actress na si Cornejo.

(LEONARD BASILIO)

KASO VS CEDRIC, DENIECE ET AL TULOY — VHONG

TINIYAK ni TV host/actor Vhong Navarro na tuloy ang kanyang laban para mabigyan ng hustisya ang kanyang sinapit matapos bugbugin ng grupo ng negosyanteng Cedric Lee noong gabi ng Enero 22 sa condominium unit ng model/actress na si Deniece Cornejo sa Taguig City.

Sa pagharap ni Navarro sa media sa kanyang pagtungo sa Department of Justice (DoJ), inihayag ng kanyang abogada na si Atty. Alma Malonga, hindi biro ang nangyari sa buhay ng aktor.

Nagtungo si Navarro sa DoJ para panumpaan ang kanyang salaysay matapos ang isinagawang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation kamakailan kaugnay sa insidente.

Napag-alaman, isinagawa ang sinumpaang salaysay ni Navarro noong Pebrero 4, 2014.

CONDO GUARDS KINASUHAN NG OBSTRUCTION OF JUSTICE

PORMAL nang kinasuhan ng Taguig City Police ang Mega Force Security Agency at maging ang personnel ng Forbeswood Heights Condominium sa Department of Justice (DoJ) hinggil sa pambubugbog kay TV host/actor Vhong Navarro na sinasabing kagagawan ng grupo ni Cedric Lee at ng iba pa.

Batay sa pitong pahinang complaint affidavit ni Taguig City acting chief of police, Senior Supt. Arthur Felix Esquillo Asis, kasong paglabag sa Presidential Decree No. 1829 o Penalizing the Obstruction of Apprehension and Prosecution of Criminal Offenders ang inihain laban sa pamunuan ng security agency at sa pamunuan ng condominium unit na pinangyarihan ng krimen.

Kabilang sa mga kinasuhan sa insidente ay ang mga personnel ng security ng condo unit na sina Roderick Gabin, chief security; Jeffrey Veniegas Rendon, security officer; Maximo Abuda maregildo, investigation head; Romeo Nevado Jr., security officer, at ilang hindi pa nakikilala o John Does, na nananatiling at-large.

Sinabi ni Senior Supt. Esquillo, nabigo ang Mega Force Security Agency na ipagbigay alam sa pulisya ang naganap na krimen, tumanggi na may naganap na krimen bukod sa hindi pagbibigay ng kopya ng CCTV footages sa mga pulis.

Bukod sa mga nabanggit na kaso, nakatakda ring maghain ng reklamo ang Taguig PNP ng kasong administratibo laban sa nasabing securiy agency.

(JAJA GARCIA/LEONARD BASILIO)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

Mary Jane Veloso

Mary Jane Veloso uuwi na — Marcos

KINOMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na uuwi na sa Filipinas si Mary Jane Veloso …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *