Friday , November 15 2024

Loreto bagong kampeon ng IBO

NAGPAKITA ng bangis ng kamao si Pinoy boxer Rey Loreto nang gulpehin niya at patulugin ang dating world champion at African boxer Nkosinathi Joyi para maangkin ang bakanteng International Boxing Organization (IBO) Jr. Flyweight world title kahapon sa The Salle des Etoiles sa Monte Carlo, Principality of Monaco.

Itinigil ng South African referee Andile Matika ang laban sa nalalabing 49 segundo ng Round 3 pagkatapos na paulanan ng suntok ng Pinoy pug ang African boxer.

Maluha-luha si Loreto pagkatapos na ideklara ang kanyang sensesyunal na panalo.   Ayon sa kanya, dream-come-true ang pagkakampeon niya sa boxing, na sa kanyang kamusmusan ay pinangarap na niya iyon.

Si Loreto na tubong Davao ay may taguring “The Hitman” na nag-imprub ang karta sa 18 wins, 13 loses na may inirehistrong 10 KOs.  Samantalang si Joyi na dating kampeon sa IBF minimumweight ay bumagsak sa 24 wins, 3 loses na may 17 KOs.

“We are so happy, we did it!! The South African was a dangerous experienced opponent. But I knew we could do win. Loreto is new world champion,” pahayag ng kanyang  manager na si  Brico Santig.

“This world title is a triumph for all the Philippines, a victory of all,” dagdag pa ni Santig.

Ang  Loreto-Joy ilan lang sa  supporting attractions sa main event at depensa ni IBO/WBA middleweight world champion Gennady “GGG” Golovkin (28-0, 25 KO’s) kontra kay  Ghana challenger Osumanu Adama (22-3, 16 KO’s).

About hataw tabloid

Check Also

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Michael Concio, Jr Timur Gareyev

P.1-M nasungkit sa Armageddon tie-break
FILIPINO IM CONCIO GINULAT SI UZBEK SUPER GM GAREYEV

Oroquieta City — Nagpamalas ng husay si International Master Michael Concio, Jr., ng Filipinas sa …

Xiandi Chua Philippine Aquatics Inc PAI

Chua, nakahirit pa sa World Cup, 3 bagong marka ng PH nakamit

IBINIDA ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ang matikas na pagtatanghal ng National Team nitong weekend …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino nangako ng balance at matinding kompetisyon

HABANG ang Premier Volleyball League ay naghahanda para sa pagsisimula ng All-Filipino Conference sa Nobyembre …

Anton Ignacio, World Jetski Champion

Anton Ignacio, World Jetski Champion

NAMAYAGPAG ang 18 anyos na si Anton Ignacio nang angkinin ang titulo ng prestihiyosong SBT-International …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *