Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

PNP umaksyon vs Jueteng (2 party-list solons tongpats sa ilegal)

012214 PNP Jueteng prison
ANG mga suspek na nahuli ng mga operatiba ng pulisya habang nagrerebisa ng kobransa sa jueteng sa Brgy. Poblacion West, Umingan, Pangasinan.

HIMAS-REHAS sa loob ng Umingan, Pangasinan police station ang 23 bet collectors at kabo na nahuli ng mga operatiba ng pulisya habang nagrerebisa ng kobransa sa jueteng bandang 11:20 ng umaga nitong Lunes sa Brgy. Pob. West, ng nasabing bayan.

Ang mga suspek na nakompiskahan ng tinatayang P12,000 cash, 10 CP at 7 motorsiklo ay binubuo ng 19 lalaki at apat na kababaihan na kinilala ni Umingan police chief, C/Insp. Remegio Yapes na sina Lucena Tolentino, Elsa Bedro, Juana Tamayo, Cristy Bello,

Rolando Pascua, Renato Operana, Fredo Organo, Rodrigo Ramos, Nicole Abad, Edgardo Prepose, Corzillo Zablang, Dorego Santaroza, Arcenio Galecia, Amado Castillo, Eduardo Cortez, Mateo Barientos, Jose Tabada, Basilla Domingo, Aljade Ramos, Mark James Ramos, Nestor Gonzales at Alan Auseria.

Ayon kay Umingan police investigator PO3 Gudy Abella, Jr., ang pagkasakote sa mga suspek ay bunga ng “joint operation” ng Umingan PNP, Regional Investigation, Detection and Management Division (RIDMD) at Regional Public Safety Battalion (RPSB-1).

Una nang nabulgar ang pamamayagpag ng “jueteng operation” sa 6th District ng lalawigan ng Pangasinan ng isang retiradong heneral na kinilalang si Gen. Divine at ng kanyang mga galamay na sina kernel Reymund at kernel Marlon.

Ang Distrito 6 ay kinabibilangan ng mga bayan ng Umingan, Rosales, Balungao, San Quintin, Natividad, San Nicolas, Tayug, Sta. Maria, San Manuel at Asingan.

Nauna rito napaulat na kinakaladkad ng grupo ni General Divine ang banal na pangalan ng Iglesia ni Cristo sa kanilang ilegal na sugal.

Ipinangungumbinsi umano sa local officials ng nasabing grupo ng mga ilegalista ang INC para hindi umalma sa kanilang operasyon.

Dalawang partylist representatives naman ang inirereklamo ng mga lokal na opisyal dahil pumapatong umano sa jueteng operations ng grupo ng retiradong heneral.

“Ang dalawang kinatawan ng partylist sa Kamara ang kumakausap sa ilang mayor na konsintihin ang ilegal na sugal ni Gen. Divine,” sumbong ng isang mataas na opisyal sa Kapitolyo.          (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …

DOST PTRI Weavers

Weavers Manifesto cries for respect, support for Philippine weaves, denounces machine replicas, printed substitutes

The growing popularity of traditional handloom-woven textiles has placed Filipino weavers at a critical crossroads. …

Bulacan Lakbike Festival Teban 7

Elevating Bulacan’s eco-sports tourism
Filipino cyclists from PH, abroad conquer DRT’s mountainous trails in Lakbike Festival Teban 7

CITY OF MALOLOS — Nearly 300 racers across the country and from abroad convened for another …

Pinoy para athletes Asian Youth Para Games

Pinoy para athletes, hangad ang medalya sa Asian Youth Para Games

DUBAI, United Arab Emirates — Handa na sina Chester Rabanal at Christian Pepito para sa …