Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

TnT vs San Mig

BAGAMA’T tinambakan ng SanMig Coffee ang Talk N Text sa kanilang tanging pagkikita sa elims ay parehas pa ring maituturing ang duwelo ng Mixers at Tropang Textrers sa Game One ng kanilang best-of-three quarterfinals series sa  PLDT myDSL PBA Philippine Cup mamayang 8 pm sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Hindi rin masasabing may bentahe ang Petron Blaze kontra Barako Bull sa kanilang quarterfinals series sa ganap na 5:45 pm.

Dinaig ng Mixers ang Tropang Texters, 100-87 noong Enero 17. Tinapos ng Mixers ang elims nang may four-game winning streak at 7-7 karta.

Winakasan naman ng Tropang Texters ang three-game losing skid nila nang tambakan nila ang Barangay Ginebra San Miguel, 103-79 noong Linggo para sa 8-6 karta.

“We hope we can keep this up,”  ani cone. “But were up against a formidable foe.  We have to keep our focus.”

“It’s a good thing we managed to win again. This gives us a little bit of mometum going into the quarterfinals,” ani TNT coach Norman Black. “I just hope that I can bring in some of my regulars back into action.”

Umaasa si Black na makapaglalaro na ang mga injured players na sina Kelly Williams, Ryan Reyes, Nonoy Baclao at Harvey Carey.

Ang Talk N Text ay binubuhat nina   Jimmy Alapag, Jayson Castro, Ranidel de Ocampo at Larry Fonacier.

Makakaduwelo nila sina James Yap, Peter June Simon, Marc Pingris, Joe DeVance at Mark Barroca.

Matapos namang mapanalunan ang unang pitong games ay biglang pumugak ang Petron Blaze dahil sa nagkaroon ng knee injury ang higanteng si June Mar Fajardo. Dahil dito’y nagtapos sa ikatlong puwesto ang Boosters sa record na 10-4 at nabigong makuha ang twice-to-beat advantage sa quarterfinals.

Nakabalik na si Fajardo sa active duty at susuportahan siya nina reigning  Most Valuable Player Arwind Santos, Alex Cabagnot, Chris Lutz at Marcio Lassiter.

Ang Barako Bull ay nagtapos sa ikaanim na puwesto sa record na 5-9.

Sa elims ay 1-1 ang record ng Boosters at Energy. Nakauna ang Petron Blaze, 96-90 noong Disyembre 4 pero nakabawi ang Enbergy, 92-90 noong Enero 8.

Ang Barako Bull lay pinamumunuan nina Willie Miler, Rico Maierhofer, Ronjay Buenafe, Mick Pennisi at Dorian Pena.

(SABRINA PASCUA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …

San Beda NCAA

San Beda winalis ang Letran para sa korona ng NCAA Season 101

TINAPOS ng San Beda University ang kampeonato sa men’s basketball ng NCAA Season 101 nang …

Alex Eala

Alex Eala, sisimulan ang kampanya para sa SEA Games gold laban sa Malaysian netter

NONTHABURI — Inaasahang makikita na sa aksyon si Alex Eala para sa Team Philippines habang …

John Christopher Cabang SEAG

Unang ginto sa athletics ng Pilipinas, nakuha ni Tolentino sa record run

BANGKOK — Binura ni John Cabang Tolentino ang Southeast Asian Games record at ibinigay ang …

PH Footbal SEAG

Makabuluhang doble-semis para sa PH sa SEA Games football matapos i-blangko ng Filipinas ang Malaysia

CHONBURI – Tinuldukan ng Philippine women’s national football team ang kanilang kampanya sa 2025 Southeast …