Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Magkano ang napupunta sa mga beneficiary? (Sa milyon-milyong kinita ng MMFF)

MINSAN nakatatawa ang mga gross report ng mga pelikula kung panahon ng film festival, kagaya rin ng kung nagkakasabay-sabay sila ng playdate, payabangan. Pataasan ng sinasabing kita kahit na hindi. Lalo na nga kung festival, hindi masyadong naghahabulan sa tax dahil ibinibigay naman iyan “supposed to be” sa beneficiaries ng festival.

Paanong hindi ka matatawa, ang claim ng MMDA, ang festival ay kumita na ng P587-M. Pero kasabay niyon, sinasabi ni Kris Aquino sa kanyang social networking account na kumita na ang kanilang pelikula nang mahigit na P300-M. Realistic din naman ang sinasabi ng Star Cinema na ang pelikula nilangGirl, Boy, Bakla, Tomboy ay kumita na ng P200-M, lalo na nga’t matapos na makakuha iyon ng magagandang reviews at manalong best actress si Maricel Soriano.

Lalo namang hindi mo masasabing imposible na ang pelikula ni Daniel Padilla ay kumita na nga ng P100-M.

Pero kung ganoon ang kinita ng tatlong pelikula, at ganoon ang sinasabi ng MMDA, magkano na ang kinita ng limang iba pang pelikula? Bente singko sentimos?

Somewhere may padding na nangyayari riyan, iyon na nga lang titingnan natin kung sino ba ang mas credible riyan sa mga gumagawa ng claims na ganyan. Tingnan na lang natin kung sino ang mas may kapani-paniwalang claims. Kung ganyan din ang kinita ng mga pelikula sa festival, magkano naman kaya ang mapupunta sa mga maliliit na manggagawa ng industriya ng pelikulang Filipino na siyang sinasabing primary beneficiary ng festival? Magkano ang ibibigay nila saMowelfund? Magkano kaya ang makukuha ng social fund ni PNoy diyan, kasi may parte rin siya riyan eh. Iyon ang tanong ngayon.

(Ed de Leon)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …