Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

So nasa tuktok pa rin (Tata Steel Chess Tour)

ISINULONG ni super grandmaster Wesley So ang ikalawang sunod na draw upang manatili sa tuktok kasama ang lima pang GMs woodpushers sa nagaganap na 76th edition ng Tata Steel Chess Tournament sa Wijk aan Zee, Netherlands Lunes ng gabi.

Hindi na pinatagal nina No. 8 seed So (elo 2719) at GM Arkadij Naiditsch (elo 2718) ng Germany ang kanilang laro at nagkasundo sila ng draw matapos ang 35 moves ng Ruy Lopez Berlin Wall.

Nakalikom ng 2.0 points si So matapos ang tatlong laro.

“ I was following the Carlsen-Anand match and I was following their opening, saad ni So na pinag-aralan ang laro nina world champion Magnus Carlsen ng Norway at former champion Viswanathan Anand ng India. “ This is may first Berlin Wall endgame.

Kasama ni 20-year old So sa unahan si world’s No. 2 player at top seed GM Levon Aronian (elo 2812) ng Armenia, seed No. 2 GM Hikaru Nakamura (elo 2789) ng USA, ranked No. 3 GM Fabiano Caruana (elo 2782) ng Italy, GM Anish Giri (elo 2734) ng The Netherlands at GM Pentala Harikrishna (elo 2706) ng India.

Tabla ang laro ni Aronian kay 17-year old GM Richard Rapport (elo 2691) ng Hungary matapos ang 41 sulungan ng Trompowsky habang nakabangon naman si Caruana ng daigin nito si GM Sergey Karjakin (elo 2759) ng Russia kung saan umabot lang sa 31 moves ng Sicilian ang kanilang laban.

Kinailangan naman ni Harikrishna ng 75 sulong ng Sicilian Najdorf upang kaldagin si Leinier Lopez Dominguez (elo 2754) ng Cuba habang draw ang laban nina Nakamura at Giri kina Boris Gelfand ng Israel at Loek Van Wely ng host country ayon sa pagkakasunod.

Natapos sa 30 moves ng Trompowsky ang laro nina Giri at Van Wely habang tumagal ng 59 sulungan ng Reti ang laro nina Nakamura at Gelfand.

Magkasalo sa seventh to eighth place sina Karjakin at Rapport hawak ang 1.5 puntos habang sina Dominguez at Van Wely ay tangan ang 1 pt.

Nasa pang 11th at 12th place naman sina Naiditsch at Gelfand pasan ang 0.5 pt.

Nakatakdang harapin ni So sa fourth round si Giri na isa rin sa gustong bawian ng Pinoy bet.

Apat na beses nang nakalaban ni So si Giri kung saan ay natalo ng dalawang beses ang una sa huli at nauwi sa draw ang dalawang laban.

Samantala, magkakaroon ng isang araw na pahinga bago ilarga ang round four na lalaruin sa Auditorium ng Rijksmuseum sa Amsterdam.

Free ang entrance sa chess tournament subalit sa Museum ay kailangan bumili ng ticket ang mga manonood.

Ang nasabing tournament ay may 12-man single round robin.

(ARABELA PRINCESS DAWA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …