Friday , November 15 2024

5 Pinoy susubukang tumira sa Mars

011514_FRONT
KABILANG ang limang Filipino sa mga kandidatong tumira sa planetang Mars.

“To be an astronaut has been my life-long fantasy and dream, so for a couple of bucks, why not try, right?” pahayag ni Dr. Michael Pias.

Si Pias, nakabase sa Oman, ay kabilang sa Filipino applicants na nasa shorlist para sa Mars One, not-for-profit foundation na magtatatag ng permanent human settlement sa Mars.

Magugunitang 200,000 aplikante ang isinalang sa first round ng selection phases, ngunit nitong Disyembre, 2013 ay 1,058 na lamang ang natitira kabilang ang ilang Filipino.

Kabilang din sa shortlist na Filipino ay si Jaymee del Rosario, pre-sidente ng International Metal Source sa United States, narinig ang project sa pamamagitan ng mga kontrata ng kompanya sa iba’t ibang technology companies sa U.S.

Ang isa pa ay si Shadee Dela Cruz, nurse sa Singapore, na katulad ni Pias, sumulat ng essay sa Facebook maka-raang mabasa ang balita na kabilang siya sa shortlist.

Samantala, sina Qatar-based Willard Daniac at Singapore-based CJ Franco, ay nabasa ang program habang nagbabasa ng balita kaugnay sa planeta sa internet.

Inihayag ni Daniac, childhood dreams niyang makapunta sa galaxy, habang sinabi ni Dela Cruz na nais niyang ilagay ang Filipinas “in some other planets’ map.”

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

‘Papak ng lamok’ sa Dengue season pinahina ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

CICC GCash

CICC tutok sa Unauthorized fund transfer ng GCash

HINDI kontento ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) sa paliwanag ng GCash na system …

CREATE MORE Law

Mas maraming trabaho sa Pinoy sa pagpasok ng foreign investment tiniyak sa CREATE MORE Law

NANINIWALA sina Senador Pia at Alan Peter Cayetano na magreresulta sa paglikha ng maraming trabaho …

111324 Hataw Frontpage

Sa ikatlo at huling pagbasa
NATURAL GAS BILL APRUB SA SENADO

“INAASAHAN naming makikita ang mga benepisyo ng panukalang ito, hindi bukas o sa katapusan ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *