Monday , December 23 2024

Mga ban sa ibang casino malayang nakagagala sa Solaire Casino (Attention: Mr. Enrique Razon)

00 Bulabugin JSY
KAILANGAN sigurong magkaroon ng mahigpit na orientation ang security intelligence d’yan sa Solaire Casino & Hotel na pag-aari ni businessman Enrique Razon.

Isang babaeng casino financier na alyas XTN na BAN sa Resorts World Casino at dati na-BAN rin sa Pagcor ang malayang nakagagala ngayon sa Solaire Casino at doon naman naghahasik ng kanyang transaksiyones.

Actually ang babaeng ‘yan ay ang itinuturong kumukuha ng retrato sa mga VIP player at inili-leak niya sa publiko. Mas madalas ay sa social media networking pa raw.

Dahil sa reklamo ng 2 VIP players na naglalaro sa 3rd floor RW VIP gaming room na identifed kay Pasay City Mayor Tony Calixto, ini-review ng Resorts World ang kanilang CCTV at nabisto na ang babaeng ‘yan ang kumukuha pala ng picture sa mga VIP player.

Naturalmente na malalagay sa panganib ang mga VIP player kapag lumabas sa publiko ‘yan. Dahil anytime ay pwede silang holdapin o kidnapin o i-blackmail kapag nalantad na ang mukha nila sa publiko.

Kaya naman nagkaroon ng pangangailangan na i-BAN agad ang nasabing babaeng casino financier sa Resorts World.

Pero ang ipinagtataka nga natin, bakit ang babaeng ‘yan ay nakagagala at nakapag-o-operate sa SOLAIRE casino?!

Ayon sa isang Pagcor security officer, ang babaeng financier ay minsan na rin na-BAN sa mga PAGCOR casino at ang ginawa niyang pagkuha ng retrato gamit ang kanyang cellphone ay nagsisilbing isang malaking THREAT sa Casino VIP players kaya marapat lang na i-BAN siya sa iba pang mga casino.

Mr. Enrique Razon Sir, pwede bang paki-check ang intelligence unit ng iyong security force kung bakit nakalulusot ang kagaya ng babaeng ‘yan?!

Sayang naman ang malaking pinasusweldo mo sa kanila kung napapasukan ang casino mo ng mga taong may dubious personality.

Marami nang umaangal na VIP players laban sa taong ‘yan.

Hihintayin mo pa bang masira ang casino mo Mr. Razon?

HOSTEL, MOTEL, APARTELLE SA CUBAO, QUEZON CITY GINAGAMIT SA PROLIFERATION NG ILLEGAL DRUGS
(12 KILOS SHABU NAWAWALA!?)

NANG mabasa natin ang balita tungkol sa magsyota na natagpuang patay sa Taxi Apartelle na nakitaan din ng 12 kilo ng shabu, nakompirma natin ang mga reklamo at info sa inyong lingkod na ang mga motel, hostel at apartelle d’yan sa Cubao, Quezon City ay ginagamit ng sindikato ng droga.

Marami na tayong nai-interview na biktima ng paggamit ng illegal na droga, lalo na ng mga gumagamit ng shabu, ang umamin na d’yan sila mabilis na nakakukuha dahil mismong mga room boy ang tulak.

Paging QCPD Director, Gen. Richard Albano, Sir, mukhang totolo-totolonges ang station commander mo d’yan sa Cubao (QCPD PS 7) at ang hepe ng District Anti-Illegal Drugs (DAID) ninyo.

Pakibusisi nga Gen. ALBANO kung ano ang pinagkakaabalahan nina Supt. Ramon Pranada ng Cubao Station at Sr. Insp. Roberto Razon at kung bakit hindi man nila narerekorida ‘yang Cubao area.

O baka naman tayo lang ang hindi nakaaalam na alam nina Kernel Pranada at Kupitan ‘este’ Kapitan Razon ang nagaganap na ‘palitan,’ ‘bagsakan’ at bilihan ng ILLEGAL na DROGA sa Cubao.

By the way, GEN. ALBANO, SAAN nga pala napunta ang 12 kilo ng SHABU na nakuha roon sa magsyota na natagpuang patay sa Taxi Apartelle?!

Nagreport na ba sa iyo ang mga ‘TAUHAN’ mo kung ano talaga ang ‘ISTORYA’ sa likod ng magsyotang dedbol sa motel at sa ‘nawawalang’ 12 kilo ng shabu?!

Pakitanong lang po ulit, kung nasaan ang 12 kilo ng shabu?!

Paiikutin ba ulit ‘yan sa mga motel, hostel at apartelle d’yan sa CUBAO, QUEZON CITY?!

CONG. BEN EVARDONE HUWARAN NG ISANG TUNAY NA HUNYANGO?

MASYADO tayong pinabibilib nang husay sa pagpapapalit ng kulay ni Eastern Samar representative Ben Evardone.

Kakaiba sa ‘bilis’ magpalit ng kulay si Cong. Evardone. Baka daigin pa nga niya ang tunay na HUNYANGO.

Noong panahon ni dating presidente Gloria Macapagal Arroyo, talaga naman hayop ang ipinakita niyang ‘ SERVICE & LOYALTY’ sa babaeng presidente.

Hindi pa natin nalilimutan kung gaano kabigat ang ini-exert niyang effort para ilang beses hadlangan ang pagsasabatas ng Freedom On Information (FOI) Bill na siya ang House committee on Public Information chairman.

Sandamakmak na tse-tse-bureche ang pinagagawa n’ya para lang matengga ang FOI bill?!

Pero nang maramdaman niyang lumulubog na ang bangka ni GMA, mabilis pa sa alas-kwatrong lumundag sa kabilang kampo.

Aba ‘e, TALO si Michael Jordan sa taas ng TALON ni Evardone nang iabandona si Gloria Arroyo.

Tsk tsk tsk …

O ‘di ba naman, napakahusay LUMUNDAG at MAGPALIT ng kulay.

Ngayon heto na naman, ang manulsol na mayroon daw pangangailangan na baruan si Pangulong Benigno Aquino III ng EMERGENCY POWERS para raw resolbahin ang “multiple problems” na kinakaharap ng administrasyon lalo sa usapin ng electricity rates at kakulangan ng mass transit mula sa Metro Manila patungo sa mga kanugnog na lalawigan.

Henyo ka talaga, Congressman Evardone!

Pinabibilib  mo talaga ako.

‘Yun lang po.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *