Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

WansapanAtaym nina Nash at Alexa, nanguna sa ratings!

DAHIL curious kami sa loveteam nina Nash Aguas at Alexa Ilacad ay pinanood namin ang Wansapanataym noong Sabado, Enero 4 na ang episode ay Enchanted House na sa gabi lang nagpapakita ang magulang ng dalaga na sina Dominic Ochoa bilang ama na nagiging rocking chair, ang mama Nikki Valdez na isang pusa, at lolong si Jaime Fabregas na isang teacup.

Binata na si Nash kaya nagulat kami dahil huli namin siyang naka-tsikahan para sa isang serye ay pitong (7) taong gulang pa lang siya na ang pinanonood ay National Geographic dahil gusto raw niyang maging Scientist paglaki.

At ngayong malaki na siya, ito pa rin kaya ang ambisyon niya?

Anyway, mukhang nabihag nina Nash at Alexa ang manonood dahil base sa datos ng Kantar Medianoong Sabado (Enero 4) ay nakuha nito ang number one. slot sa overall weekend TV program sa pilot episode na Enchanted House na nakakuha ng 27.2% sa national TV ratings o halos 15 puntos na kalamangan kompara sa nakuhang 12.5% ng katapat nitong programa sa GMA na Vampire Ang Daddy Ko.

Bukod sa ratings ay wagi rin ang tambalan nina Nash at Alexa (N-Lex) sa sikat na microblogging site na Twitter, na agad naging nationwide trending topics ang mga hashtag na#NLexWansaEnchanted House at # NashAguasWansaEnchantedHouse.

Kaya nakatitiyak na muling aabangan ng viewers ang Wansapanataym ngayong Sabado (Enero 11) lalo na ngayong unti-unti nang nabubuo ang magandang samahan nina Philip (Nash) at Alice (Alexa).

Magbabago ba ang pagtingin ni Philip kay Alice kapag nalaman niya ang sikreto ng pamilya nito? Ano nga ba ang kanilang gagawin kapag nalaman nila na ang ina ni Philip ang nagbigay ng sumpa sa mga magulang ni Alice?

Kasama rin sa Enchanted House episode sina Ara Mina, Candy Pangilinan, Celine Lim, Brace Arquiza, Marikit Morales, at Aldred Gatchalian mula sa panulat ni Reggie Amigo at direksiyon ni Erick Salud.

Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …