Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Aiza at Liza, nagli-live-in na?

AKALA namin sina Liza Diño at Aiza Seguerra na ‘yung napaulat na kauna-unahang Filipino lesbian couple na ikinasal sa US kamakailan. Pero hindi pala. Non-showbiz  Filipino couple pala ‘yon.

In love na in love sa isa’t isa sina Liza at Aiza. Ipino-post pa nga ni Liza sa Facebookang tungkol sa relasyon nila. Nagli-live na yata ‘yung dalawa, as implied in one of the postings of Liza. Sabi n’ya kasi sa posting na ‘yon, ”while I watch you sleep,” kaya ang feeling namin ay nagli-live in na sila.

Pareho silang adult na, kaya wala namang problema kung mag-live in sila. In fact, may dalawang anak na si Liza na, as far as we know ay matagal nanirahan sa US.

Sa mga ilang ulat tungkol kay Liza na nabasa namin, she is referred to as “indie actress and flamenco dancer.” Those who write about her may not be aware na beauty queen siya, naging Mutya ng Pilipinas International 2001 siya. At graduate siya ng University of the Philippines. Siya nga pala ‘yung lead actress sa indie film na In Nomine Matrix(In the Name of the Mother) na ipinalabas last year. Flamenco dancer ang papel n’ya sa pelikula.

Sa mga FB posting ni Liza, lagi n’yang sinasabi na napakasuwerte n’ya sa relasyon n’ya kay Aiza. Actually, napakasuwerte rin ni Aiza na isang matalino, talented, at well-educated na karelasyon n’ya ngayon.           (DANNY VIBAS)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …