KALIWA’T KANAN ang bira ngayon sa media dito sa tinaguriang “Godfather” of all smugglers na si DAVID aka DAVIDSON TAN BANGAYAN. Siya ang iningungusong HARI ng rice smuggling sa bansa.
Mismong ang Senado ang tumukoy sa kanyang pangalan na nasa likod ng rice smuggling sa bansa. Ngunit laking katarantaduhan nang aminin mismo ni Department of Justice (DOJ) Secretary Laila Delima na hindi nila makapa si DAVID TAN. Hirap silang tukuyin ang tunay na identity nito.
Bigo umano ang NBI na inatasan ni Delima para kalkalin ang lahat-lahat tungkol sa pagkatao ni TAN.
Ibig bang sabihin, ang DAVID TAN na sinasabi at tinutukoy ng Senado ay isang ‘multo’ lamang na hindi nagi-exist? Ito ba ay isang “dummy” lamang ng isang maimpluwensiyang nilalang na siyang nasa likod ng talamak na rice smuggling sa ating bansa?
Ang pag-importa ng bigas mula Thailand, Vietnam at iba pang bansa ay mahigpit na pinangangasiwaan ng National Food Authority at ng iba pang ahensiya ng pamahalaan.
Hindi basta-basta nakakukuha ng importation permit para rito.Pero sa nakaraang administrasyon ay nakopo umano ni David ‘bigas’ Tan ang permit to import o quota ng rice importation dahil may right konek siya noon sa NFA.
Si David Tan rin ang itinuturong nagpopondo ng black propaganda laban sa NFA ngayon.
At kung bigo ang NBI at Department of Justice na tukuyin kung sino mismo itong si TAN, bigo rin ba silang mabatid kung paano kumikilos ang network ni TAN sa mga ahensiya ng ating pamahalaan sa pagpapatuloy ng kanyang sindikato sa rice smuggling?
O hindi lang kaya talaga ni Delima at ng NBI na banggain ang tunay na mga taong involved sa katarantaduhang ito dahil hanggang Malacañang daw ang koneksyon.
FYI, paki-check lang ang balitang kumakalat na umaabot na raw sa mahigit 6 na bilyong piso ang naipagkaloob ni TAN sa ilang opisyal ng Aquino administration para lamang makopo ang rice smuggling sa bansa.
Sa ilalim ng liderato ni PNoy mas lalong tumindi daw ang kamandag ni Bigas TAN.
Noong panahon ni dating Pangulong GMA, isa si TAN sa mga pamosong rice smugglers sa bansa. Ito nga ang tinaguriang HARI ng rice cartel at smuggling.
Na-right connect PA umano si TAN sa Aquino government sa pamamagitan ng isang malapit na opisyal ni Pangulong Aquino na ipinakilala ng isang Mambabatas.
Ang mambabatas umano ang naglapit kay TAN sa isang trusted man ni PNoy.
Nang magkaroon ng isang “secret” meeting si TAN sa tao ni Pangulong Aquino, doon nabatid na konektado rin pala ang rice smuggling king na si TAN sa ilang Kamaganak Inc.
Sa lakas nga raw ng power ni Tan, nakapagrekomenda pa raw ng isang opisyal para maipwesto sa isang kontrobersyal na ahensiya ng gobyerno.
Hindi na tayo magtataka kung maging inutil ang Pnoy administration sa mga raket ni TAN diyan sa Bureau of Customs.
Mistulang pader na marmol umano ang babanggain kapag sineryoso ang pagbaka sa rice smuggling sa bansa.
Ang rice cartel na nasa likod ng smuggling na ito ay pinapatakbo ng isang mistulang MAFIA na binubuo ng maimpluwensiyang Intsik na malalapit umano sa administrasyon.
Ito umano ang isa sa mga nakikitang balakid kung bakit pansamantalang itinigil ng NBI at DOJ ang nasimulang imbestigasyon kay TAN.
Isa rin daw sa bigtime campaign fund donors ng Partido Liberal (LP) ang grupo ni TAN na ang tumakbo sa pagka-presidente at nanalo ay si Pangulong Aquino.
Bahagi umano ng maniobrahan para sa nalalapit na 2016 presidential elections ang ‘bulabugan’ ngayon sa Bureau of Customs.
Ang reyna ng plastic resin smuggling na si ALING TINA U ay patuloy na namamayagpag diyan sa Aduana. Nagpalit-palit na ang mga pa-ngulo ng bansa ay non-stop pa rin ang resin smuggling n’ya. Mas tumindi ang “clout” niTINA U noong panahon ni Ginang Gloria Macapagal Arroyo makaraang lumutang ang pagiging super close nita sa dating 1st couple na si ex-PGMA at Atty. Mike “Dorobo” Arroyo. Kaya nga PIDAL ang alyas ng tarantadang si TINA U.
At bakit nasa Customs lang focus ng media at ng sambayanan. Kung matindi ang anomalya sa BoC, hindi nalalayo ang mga malalaking ka-tarantaduhang umiiral diyan sa BIR.
At kung umaasa tayo ng isang “honest to goodness campaign” ang magaganap nga-yon diyan sa Bureau of Customs, pause and think twice. Baka kasi napapasakay na tayo sa isang grand zarsuela.
Kompleto po ang casting ng “palabas” na ito at gaya ng sa pelikula, may mga bayarang PR men ang grupo para palabasing makatotohanan ang senaryong kanilang gustong palutangin.
Manmanan nating mabuti mga ka-TARGET!
May kasunod pa!
Makinig sa DWAD 1098 khz am “Target On Air’ Monday/Friday 2-3 pm, mag-txt sa sumbong o reklamo 09167578424 /09196612670 mag email sa [email protected]
Rex Cayanong