Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gay comedian, sobrang adik sa casino (Pati pambili ng pagkain, isinusugal)

LAMAN ngayon ng isang bonggang blind item ang isang sikat na gay comedian na umano’y lulong sa pagpipindot (casino).

Ayon sa aming kausap, hindi lang lulong kundi malala na raw talaga ang bading na ito dahil ultimo pangkain niya ay isinusugal pa.

Meaning, talo pa nito ang naka-droga sa pagkalulong sa sugal na pati  umano ang kanyang hinuhulugang sasakyan na kinuha niya maging bongga ang solo concert sa MOA ay isianla sa isang mayamang kaibigan sa halagang P300K. Ito ay para raw matustusan ang pagka-addict sa sugal.

Since friendship naman daw ni gay comedian ang naturang mayaman na kaibigan nila ay nakuha raw kaagad ni gay comedian ang pera. Walang pakialam ang gay comedian at umariba ulit sa sugalan at ipinindot ang kanyang P300K!

Ang ending, umuwing luhaan ang gay comedian dahil kinain na naman ni Crystala ang P300K! Cry daw ang gay comedian at ang nakakaloka, dahil marami ngang kaibigan, isinanla uli ang kotse. Nakakaloka ‘di ba?

Ang nakakapikon, hindi pa nadala ang baklitang itey dahil muli niyang dinala ang pera sa casino at sa ikalawang pagkakataon ay natalo na naman. Ayun, plano niya raw sanang ibayad ang kalahati ng kanyang pinagsanlaan sa ikalawang friend para maibsan siguro ang anumang kahihiyan. Hanggang sa umamin na raw itong si gay comedian sa unang friend na ganoon nga ang nangyari.

May mga tao talagang likas ang pagiging mabuti huh! Imagine, ayon pa sa kuwento, binayaran ng unang pinagsanglaan ni gay comedian ang halagang P300K sa ikalawang biktima nito huh!

Kaya naman ngayon, ang gay comedian ay back to zero dahil wala na nga siyang karumba na hindi namin alam kung ilang years to pay pa ang sasakyan at may utang pang P600K sa pinagsanlaang kaibigan!

Kakaloka naman!

(Dominic Rea)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …