Friday , November 15 2024

Masaganang Bagong Taon sa lahat

00 Bulabugin JSY

BUKAS ay bisperas ng pagsalubong sa taon 2014.

Tapos na ang taon 2013 na hindi maitatatwa ng sambayanan na ISANG TAON ng walang katapusang pagsubok, kalamidad, sakuna at bangayan sa hanay ng mga itinuturing nating mga pinuno ng bayan.

Ang sabi ng Palasyo, umunlad ang ekonomiya at ang pamumuhay ng Pinoy.

Ang sabi ng mga negosyante, matumal ang ikot ng pera at binatbat pa sila ng tila walang katapusang panggigipit ng Bureau of Internal Revenue (BIR) habang patuloy na namumuhay sa luho ang mga mandarambong at magnanakaw sa kaban ng bayan gaya ng mga Napoles at ni Ma’am Arlene na hanggang ngayon ay hindi pa rin lumulutang.

Ang sabi ng batayang masa, walang nagbabago sa kalagayan nila, patuloy na kumakalam ang kanilang sikmura at pinagpapasan sila ng walang katapusang pagtaas ng presyo ng mga batayang bilihin, pasahe, koryente, tubig at tuition fee ng mga estudyante.

Lahat na lang tumataas … pandak na lang ang hindi.

Pero ang pinakamasaklap, sa ‘sipag’ mangolekta ng buwis ng BIR at ng mga lokal na pamahalaan, kapag kailangan ang serbisyong pangkalusugan, walang maaasahan ang batayang masa sa mga pampublikong ospital.

Sabi nga sa kantang Monalisa … “They just lie there and they die there …”

Tsk tsk tsk …

Ganyan pa rin daw kasaklap ang buhay ng mga Pinoy sa administrasyon ni PNoy, anak ng pinaslang na dating senador at mamamahayag at ng kanyang biyuda  na naging Pangulo ng bansa at binansagang democracy icon.

Anyway, meron din naman sigurong magagandang nangyari sa bawat indibidwal.

Again, sa mga tao o dati kong kaibigan na hindi natutuwa sa atin … ang masasabi ko lang ay susundin ko na lang ang utos ni Lord: LOVE YOUR ENEMY & DON’T HATE THEM.

Sa kabila nito, nais ko pa rin kayong batiin at sa pamamagitan man lang nito ay umusbong maski maliit na binhi ng pag-asa sa ating mga dibdib … isang MAPAYAPA at MASAGANANG BAGONG TAON po sa ating lahat.

KAILANGAN NI ERAP NG MARAMING ‘LIZ VILLASEÑOR’ SA CITY HALL

SA ISANG okasyon (MPD PRESS CORPS Christmas get-together) na ating napuntahan nitong nakaraang linggo ay nakadaupang palad natin ang Tourism Officer ng Maynila na si Ms. Liz Villaseñor.

Bilib tayo sa lakas ng public relations talent ni Ms. Liz.

Siya ang unang bumati sa inyong lingkod at sa proseso ng aming huntahan ay inanyayahan niya tayo na bumisita sa kanyang tanggapan para maipakita naman niya kung ano ang mga nakahanay na proyekto ng Tourism Office.

Sa napakahusay na PR ni Ms. LIZ masasabi nating malaki ang naiaambag niya sa administrasyon ni Erap.

Hindi katulad ng ibang hepe ng ilang dibisyon d’yan sa Manila City Hall na walang pakinabang si Erap.

At ang inaatupag lang ay pawang paggawa ng pitsa?!

Panahon na siguro para pag-isipan ni Erap na i-assess ang performance ng mga hepe ng iba’t ibang tanggapan sa ilalim ng Manila City Hall.

Palitan niya ang mga dapat palitan lalo na ‘yung mga hindi nakatutulong sa kanyang administrasyon lalo na sa sambayanang Manileño.

Dapat lamang na maglagay si Erap ng mga opisyal sa ilalim ng kanyang administrasyon na gaya ni Ma’m LIZ VILLASEÑOR!

 PITO-PITO ‘IPINANGHILOT’ SA KONSEHO NG PASAY CITY

KAYA naman pala…

Kaya naman pala ang bilis daw ‘bumaliktad’ ng ilang KONSUHOL este KONSEHAL sa KONSEHO ng Pasay City.

Nakausap kasi natin ‘yung isa nating source d’yan sa Pasay City hall at ang tsismis na kumakalat ngayon ay IPINANGHILOT nga raw ng ‘3 Betlog’ ni Ka Tony at ng KAMAGANAK Inc., ay ‘yung gamot na PITO-PITO.

Hindi po ito TSAA o pinagsama-samang dahon mula sa pitong halaman o puno.

Ito daw po ‘yung ‘PITONG MANSANAS.’

Ansabe, ‘yun iba kinagat agad ‘yung pito-pitong mansanas. ‘Yung iba 50 percent muna at may OPM (Oh Promise Me) na kasunod pa.

Anong sey mo Konsi praise the lord?

Abangan po natin sa mga susunod na araw dahil mukhang ‘SASABOG’ ang baho ‘este’ SM reclamation DEAL na ito sa 2014!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Ai Ai nasaktan, nalungkot, tinanggap kapalaran kay Gerald 

I-FLEXni Jun Nardo NASAKSIHAN din namin ang pagsisimula ng relasyon nina Ai Ai de las Alas at Gerald …

Hiwalayang Ai Ai-Gerald may 3rd party?

HATAWANni Ed de Leon HEADLINE sa lahat ng mga entertainment website si Ai Ai delas Alas. …

Jade Riccio

Asia’s Jewel Jade Riccio magtatanghal kasama sina Michelle Dee, Rhian, MayMay, Atasha sa Be Our Guest

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PATULOY sa kanyang adhikaing ‘baguhin ang buhay sa pamamagitan ng …

Ronald Padriaga True FM 105.9 FM

True FM 105.9 FM mas pinalaki (‘di lang radyo mayroong TV, podcast, Youtube)

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “IPAGPAPATULOY namin ang pagiging totoo, tunay at tapat sa lahat …

Bo Ivann Lo

Bo Ivann Lo, wish sumabak sa mga kontrabida role

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULA ang sexy actress na si Bo Ivann Lo sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *