Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Happy Birthday to Karen Santos

MATINDI ang patutsada ni Floyd Mayweather kay Manny Pacquiao.   Naglabas ng photo ang una sa kanyang twitter ng isang litrato na sinasabing kombinasyon ng mukha nina Pacman at Freddie Roach.

Tinatawanan ng mundo ang larawang iyon.

Walang buwelta si Pacman sa patutsadang iyon.  Pero si Roach, meron.   Naglabas din siya ng litrato ni Floyd Mayweather Sr. at katabi ang larawan ng isang ALIEN.

Siyempre pa, kamukha ni Sr. si Jr. kaya sapul din si Floyd sa patutsadang iyon.

Ang huling  nai-post ni Floyd sa kanyang twitter ay ang pamaskong handog sa mga nagbabasa ay ang retokadong larawan niya na pinatamaan ng isang solidong kaliwa sa mukha si Manny.  At may kaakibat pa iyon na na pantuya:    “Juan Marquez ate Timothy Bradley’s leftovers. Now you’re telling me I got to eat Marquez’s leftovers? Let me talk to the IRS about this…”

He-he-he.  Ang tindi talaga ng psywar ni Floyd.   Para bang sinasabi niya na hindi na nga dapat harapin si Pacman dahil ang tinalo niya noon ay tinalo si Pacquiao.

Hindi nga naman mahahalata ang tunay na dahilan na ayaw niyang labanan si Pacman dahil natatakot siya.

Simple lang naman kasi ang dapat maging kongklusyon kung LOGIC ang pag-uusapan.   Kung talagang kayang-kaya niya si Pacman—bakit hindi niya labanan?   Ang laki naman ng oper sa kanya para lang labanan ang Pambansang Kamao?

Kung ako si Manny, tatawag ako ng isang malaking presscon kasama ang international media.   Doon ko ihahayag ang aking paghamon.

Period!

Wala na yung rason niya parati na depende sa ihaharap sa kanya ng  promoter.   Alisin na niya iyon sa kanyang dialog.

***

Happy birthday to KAREN SANTOS ng Lico, Tondo, Manila na magseselebra ng kanyang kaarawan sa December 31.

Greetings coming from Chairman Bado Dino and Luz Dino.

Alex Cruz

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …

Joanie Delgaco Kristine Paraon SEAG

Olympian rower Delgaco, Paraon nagbigay ng ika-26 na ginto ng PH

RAYONG, Thailand – Nilampasan nina rowers Joanie Delgaco at Kristine Paraon ang sarili nilang inaasahan …

Alex Eala

Alex Eala tiyak na ang bronze medal sa dominadong panalo laban sa Malaysian

NONTHABURI – Tiniyak ni Alex Eala na may isa pa siyang medalya sa 33rd Southeast …

Elreen Ann Ando SEAG

Ando nagbigay ng unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting

CHONBURI – Siniguro ni Elreen Ando ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting sa …