Tuesday , April 15 2025

Soltero itinapon sa sementeryo (Kritikal sa bundol ng jeepney)

122813_FRONT

SA pagnanais na maitago ang kanyang kasalanan, itinapon na lang  ng isang jeepney driver  matapos itakas sa pagamutan ang bangkay ng kanyang nabundol na  matandang binata sa loob ng sementeryo sa Malabon City kahapon ng tanghali.

Kinilala ang bangkay na si Rodolfo de Vera, 54-anyos, ng #132-1 Rodriguez St., Sangandaan, Caloocan, nang ma-rekober ng  mga awtoridad matapos ituro ng isang nakakita sa bangkay.

Sa isinagawang follow-up operation ay nasakote ang suspek na si Ronaldo Verdadero, 46-anyos, driver ng jeep (PSJ-746),  may rutang Sangan-daan-Divisoria, nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide.

Sa ulat ng pulisya, dakong 12:30 kahapon nang mabundol ng minamanehong jeep ng suspek ang biktima habang naghahalukay ng basura malapit sa Tugatog Cemetery.

Lasog-lasog ang katawan ng biktima na agad isinugod ng suspek sa Caloocan Medical Center (CMC) pero habang naghihingalo ang biktima ay itinakas ni Verdadero at dinala sa nasabing sementeryo at doon ay basta na lamang iniwan.

Sa  tulong ng barker na si Fundador Bulan, naituro sa mga awtoridad ang bangkay ng biktima na naging dahilan upang maaresto ang suspek.

ni Rommel Sales

About hataw tabloid

Check Also

BBM Bongbong Marcos TIEZA

TIEZA pinarangalan mga Bayani ng Digmaan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IPINAGMAMALAKI ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA), sa pamamagitan …

Krystall Herbal Oil

Heat stroke, haplos ng Krystall Herbal Oil kailangan para init mailabas sa katawan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Franz Pumaren

Pumaren sinampahan ng Graft complaint sa P50-M proyektong hindi natapos

KASALUKUYANG iniimbestigan ng Commission on Audit (COA) at ng Office of the Ombudsman ang reklamo …

House Fire

3 sugatan sa sunog sa QC

TATLO katao ang iniulat na nasaktan sa sunog na sumiklab sa residential area sa Makabayan …

Road Maintenance

DPWH nag-abiso magkukumpuni ng mga kalsada ngayong Semana Santa

NAKATAKDANG magsagawa ng 24-oras trabaho sa loob ng limang araw ang mga tauhan ng Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *