Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Niños Inocentes

ANG darating na Sabado ay Niños Inocentes.

Sa mga Pinoy na magkakaroon ng pagkakataon, marami ang magsasagawa ng practical (minsan ay nakapipikon) jokes sa mga walang kamalay-malay nilang kaibigan at pagkatapos ay pagtatawanan ang naidulot nitong panic o hysteria.

Gugunitain din sa Sabado ang pagpaslang sa maraming sanggol na lalaki, higit 2,000 taon na ang nakalilipas, ng mga sundalo ni Herod sa kagustuhang mapatay ang bagong silang na si Jesus na sinasabing magiging Hari ng mga hari.

Ang kalupitang ito ay nasa kasaysayan ng politika at relihiyon bilang Innocents Day, ang unang matinding krimen laban sa mga bata.

Hanggang ngayon, nagpapatuloy ang pang-aabuso sa mga bata sa maraming nakapanghihilakbot na paraan. Ang mga bata, bilang pinakamahina at madaling takutin, ang napagsasamantalahan sa sarili nilang kahinaan na kahit ang matitinding batas ay hindi magawang masawata.

‘Di gaya ng sanggol na si Hesus na nakatakas sa mga sundalo ng hari, maraming bata ang sinasaktan at inaabuso ngayon sa walang katapusang takutan.

Nalagay na sa mga pahayagan ang pagkadena sa mga bata ng sarili nilang mga magulang o ng mga nais silang disiplinahin dahil sa mga tunay o gawa-gawang kasalanan. Ang ilan, habang nakakadena, ay pinakakain ng panis at ilang araw na pinababayaan sa pagkakakulong sa madilim o mabahong lugar nang hindi alintana na maaaring ma-trap at mamatay kapag nagkasunog.

Dumarami rin ang kabataang babae, na ang ilan ay paslit pa, na naaabusong seksuwal, at nauuwi sa serious injuries, sakit sa pag-iisip at maging kamatayan.

Mga bata ngayon ang mga kaawa-awang manggagawa sa maraming madidilim at maruru-ming pabrika sa mundo. Mula sa edad na lima hanggang siyam, silang nagpapagana sa mga lumang makina gamit ang kinakalyo na nilang mga kamay ang pinakamadalas na maaksidente na karaniwan nang hindi iniuulat sa labor standard offices dahil sa pagiging ilegal. At nangyayari ito ngayon kahit na sa mga bansang mauunlad na.

Nagsasagawa ng pag-aaral ang mga socio-logist tungkol sa talamak nang pang-aabuso sa mga bata sa mga pabrika at kahit pa sa loob ng bahay. Pero ang pinakamasahol sa lahat ay ang pang-aabusong seksuwal sa mga bata, na dahil sa kanilang kainosentehan at pagpapasuhol, ay pumapayag na gawan ng kahalayan.

Maraming dokumentadong kaso na tulad nito sa bansa, partikular sa nightclubs at prostitution dens, na hindi magawang masawata ng pulisya at labor department dahil limitado lang ang pondo ng Department of Social Welfare and Development para isailalim sa rehabilitasyon.

Dapat humanap ng paraan ang gobyerno  upang maprotektahan ang mga bata. Ang trahedya ng orihinal na Niños Inocentes may 21 siglo na ang nakararaan ay hindi na dapat pang nangyayari ngayon.

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

Robert B. Roque, Jr.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …