Thursday , December 19 2024

Ina, 3 paslit na anak patay sa sunog (Bunsong anak yakap)

122413_FRONT
YAKAP pa ng ina ang bunsong anak nang magkakasamang nalitson ang apat na miyembro ng pamilya matapos makulong sa loob ng banyo sa nasusunog nilang bahay kamakalawa ng gabi, sa Mandaluyong City.

Kinilala ni Bureau of Fire Marshal Inspector Nahuma Tarroza, ang mag-iinang namatay na sina Andrei Calunsod, 4-anyos; Yui, 2; Chelsea, isang taon gulang at ang kanilang nanay, si Blitz Santos, 44.

Dakong 8:20 ng gabi nang magsimula ang sunog sa bahay ng mga biktima sa Barangay Addition Hills, San Roque, Ilaya, ng lungsod.

Unang natagpuan ang bangkay ni Blitz Santos, na yakap pa ang bunsong anak sa loob ng banyo.

Mabilis natupok ang tahanan ng pamilya Calunsod dahil gawa ito sa light materials.

Lumalabas na posible umanonng nataranta ang ina ng mga bata dahil sa biglang pagkalat ng apoy kaya’t imbes lumabas mula sa nasusunog na bahay, tumakbo sa banyo kasama ang tatlong anak.

Hindi na nakalabas mula sa banyo ang mag-iina dahil sa grills na nakakabit sa bintana ng banyo.

Patuloy pang ina-alam ang pinagmulan ng sunog habang tinatayang aabot sa P500,000 halaga ng ari-arian ang naabo na umabot sa ikalawang alarma.

ni ED MORENO

Sa Negros Occidental
15-ANYOS NASUNOG DIN

Isang 15-anyos na binatilyo ang namatay sa nasunog na tindahan ng paputok sa Public Plaza sa Escalante, Negros Occidental, Linggo.

Kinilala ang biktimang si Jomar Palo, habang nalapnos naman ang ilang parte ng katawan ni Rodrigo Bayotas, 35-anyos, na kasama niyang natutulog sa tindahan ng paputok ni Wilfren Bayotas, nang maganap ang insidente.

Ayon sa mga imbestigador, posibleng ang mga lalaking nakitang tumatakbo mula sa tindahan ng paputok ang may kagagawan ng sunog.

Dalawang kalapit na tindahan ang nadamay sa nasabing sunog.

P5-M ARI-ARIAN NILAMON NG APOY

TINATAYANG mahigit sa P5 milyon halaga ng ari-arian ang nilamon ng apoy sa naganap na sunog sa tatlong malalaking bodega kahapon ng madaling araw, sa Parañaque City.

Isinusulat ang balitang ito, patuloy pang inaapula ang apoy na tumupok sa malaking bodegang  pag-aari ng isang Willy Tieng sa Nelbros St., Barrio Ibayo, Brgy. Sto. Nino, na umabot ang alarma sa Task Force Bravo.

Sa inisyal na ulat ni SFO1 Vicente Aurellano ng Parañaque City Bureau of Fire Protection, dakong 1:10 ng madaling araw nang magsimula ang sunog sa gitnang bahagi ng bodega ng Maldives Trading sa nasabing siyudad.

Dahil sa pagsiklab ng apoy, nadamay ang katabing KLG Warehouse na naglalaman ng mga kitchen wares, pati na ang gusali ng CEVA Logistics.

Sa ulat, hindi pa batid kung may namatay o nasugatan sa naturang insidente at patuloy pang inaalam ng mga awtoridad kung ano ang sanhi ng sunog.

(JAJA GARCIA)

About hataw tabloid

Check Also

Honey Lacuna PBBM Bongbong Marcos Manila mackerel

Mula kina PBMM at Mayor Lacuna
Kompiskado, ismagel na mackerel ipinagkaloob sa mga residente ng BASECO at Tondo sa Maynila

PINANGUNAHAN nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., at Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna – …

ASIN Center Salt Innovation for a Better Future

ASIN Center: Salt Innovation for a Better Future

DOST Undersecretary for Regional Operations, Engr. Sancho A. Mabborang together with DOST 1 Regional Director, …

2nd Southeast Asian Premier Business and Achiever Awards 2024

2nd Southeast Asian Premier Business and Achiever Awards 2024

The *2nd Southeast Asian Premier Business and Achiever Awards 2024* press conference recently concluded with great success, bringing …

CasinoPlus FEAT

Casino Plus Celebrates Unprecedented Wins in Color Game Big Win Jackpot, Welcomes 21 New Multi-Millionaires within first month of launching

Casino Plus recently achieved a major milestone, marked with a celebratory press conference held on …

121324 Hataw Frontpage

Zamboanga jamborette ipinatigil
3 BOY SCOUTS NAKORYENTE SA TENT PATAY
10 sugatan naospital

HATAW News Team TATLONG miyembro ng Boy Scouts of the Philippines (BSP) ang namatay sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *