Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Skyway iboboykot ng 25 bus companies (Dahil sa madalas na aksidente)

Nagbanta ng boykot sa Skyway ang pamunuan ng 25 metro bus companies, inihayag kahapon.

Ayon kay Homer Mercado, operator ng Worthy Bus, inimbitahan niya sa pulong ang mga kapwa-operator para ikasa ang boykot o hindi pagdaan sa Skyway simula Enero 2014 dahil sa mga naitalang aksidente roon.

Aniya, 25 ang pumayag at 10 pang kompanya ang posibleng madagdag kabilang ang isang bus line na pagmamay-ari rin ng operator ng Don Mariano Transit. Matatandaang isang unit ng Don Mariano ang nahulog sa Skyway nitong Lunes na ikinamatay ng 18 katao at ikinasugat ng 16 pa.

Sabi ni Mercado, tuloy ang boykot hangga’t hindi inaayos ang kalidad ng railings o harang sa Skyway. Bukod aniya sa Don Mariano bus,  may ilang pribadong sasakyan na rin ang naaksidente sa Skyway.

Agad inilinaw na hindi nila ikinasa ang boycott para maghugas-kamay kundi para mapangalagaan ang mga pasahero.

Dagdag ng bus operator, nagbabayad sila ng toll kaya dapat matiyak na ligtas ang Skyway.

Sabi ni Mercado, malaki ang mawawala sa Skyway kung hindi na dadaan ang mga bus dahil ang kanilang hanay ang karaniwang bumabaybay roon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …