Friday , November 22 2024

Metro killings ikinabahala ng Palasyo (Sa ambush sa NAIA 3)

NABABAHALA ang Palasyo sa karahasang naganap sa NAIA Terminal 3 na ikinamatay  ng apat katao  kamakalawa  at  inaasahang magkakaroon ng positibong resulta ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.

“The fact remains that it happened within the airport compound and that’s a cause for concern for us. So pinakilos nga ho talaga nang mas mariin ng Pangulo ang PNP at ang airport authorities para bigyan ho ng hustisya rin iyong nangyari naman po roon sa pamilya ng mayor po mula ho ng Zamboanga at gumugulong… Nagbuo na ho ang PNP ng task force para tumutok po sa bagay na ito at ini-expect po natin talagang magkaroon po ng resulta iyong kanilang pagtutok,” ani Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte.

Aniya, dapat mas paigtingin ng Philippine National Police (PNP) ang police visibility at seryosohin ang kanilang trabaho, lalo ngayong panahon ng Kapaskuhan, dahil sa sunud-sunod na krimeng naganap sa Metro Manila tulad ng ambush sa NAIA-3, panloloob sa SM North Edsa at SM MOA at pananambang sa misis ni Atty. Raymond Fortun.

“Ang importante ho sa atin ngayon ay ipagpatuloy ho nila or, at least, paigtingin pa ho nila iyong kanilang pagbabantay sa ating mga mamamayan,” diin bf tagapagsalita.

(ROSE NOVENARIO)

 

TF Talumpa binuo

‘POLITIKA’ SINISILIP SA NAIA KILLING

Walang duda ang panganay na anak ni Labangan Zamboanga del Sur Mayor Ukol Talumpa, politika ang dahilan ng pananambang sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3, Biyernes ng umaga.

Kwento ni Rayyam Talumpa, matagal nang nakatatanggap ng banta ang kanyang ama na hinihinalang mula sa mga kalaban sa politika.

Matatandaang bukod sa mag-asawang Talumpa, namatay rin sa pamamaril ang kanilang kaanak, si Salipudin Talumpa, 25-anyos at ang apo na si Philip Tomas Esquesta.

Sa imbestigasyon, inabangan ang mga biktima ng mga suspek na nagpanggap na pulis. Hindi nakaganti ng putok ang ilang bodyguard ng alkalde dahil hindi pa nila nakukuha sa releasing booth ang kanilang dalang mga baril.

Nabatid na hindi ito ang unang pagkakataon na tinambangan si Mayor Talumpa. Nobyembre 2010 nang barilin din siya sa Ermita, Maynila.

Samantala, stable  na ang kondisyon ng lima pang sugatan sa insidente kabilang ang 3-taon gulang na batang tinamaan ng bala sa ulo at kinailangan operahan.

Samantala, bumuo na ng Task Force Talumpa ang awtoridad para tutukan ang insidente sa NAIA.

Sa panayam, sinabi ni Philippine National Police-Public Information Office (PNP-PIO) Chief Reuben Theodore Sindac, maghihigpit sila ng seguridad sa mga paliparan, pati sa mga terminal ng bus at pantalan.

NBI PASOK SA NAIA AMBUSH

INATASAN  ng Department of Justice (DOJ) ang National Bureau of Investigation (NBI) na magsagawa ng malalimang imbestigasyon kaugnay sa naganap na pagpatay kay Labangan, Zamboanga del Sur mayor Ukol Talumpa, kamakalawa, sa Ninoy Aquino Internatinal Airport (NAIA) Terminal 3.

Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima, tatlong beses nang pinagtangkaan ang buhay ng alkalde kaya ipinag-utos niya kay NBI officer-in-charge Medardo de Lemos na agad siyasatin ang pangyayari.

Kabilang din sa napatay sa pamamaril ang misis ni Talumpa, apo, at kanyang staff.

Sa ngayon, patuloy pang inaalam ng pulisya ang motibo sa pamamaslang.

(leonard basilio)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *