PINASALAMATAN ni Pangulong Benigno Aquino III si United Nations Secretary General Ban Ki-Moon sa ipinagkaloob ng UN na $25.28 milyong ayuda sa mga biktima ng super typhoon Yolanda.
Nag-courtesy call kamakalawa si Ban kay Pangulong Aquino kasama si Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario.
Matapos ang kanilang pulong ni Pangulong Aquino, nagpunta ang UN Secretary General sa Tacloban City upang personal na alamin ang pinsala ni Yolanda at ipakita ang kanyang pakikisimpatiya sa mga biktima ng kalamidad.
Kasama sa pulong nina Pangulong Aquino at Ban sina Del Rosario, Cabinet Secretary Jose Rene Almendras, Defense Secretary Voltaire Gazmin, Social Welfare Secretary Dinky Soliman at NEDA chief Arsenio Balisacan.
Bago umalis ng bansa ngayong araw, magdaraos ng joint press conference sina Ban at Del Rosario sa Manila Peninsula Hotel sa Makati City.
(ROSE NOVENARIO)