Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

KC, is a better actress than her mother Sharon — Gov. ER

KUNG ilarawan ni KC Concepcion ang kanyang ginagampanang papel sa MMFF entry ring Shoot to Kill: Boy Golden (The Arturo Porcuna Story) ay out of the box. Sa madaling salita, hindi pangkaraniwan.

In the trailer, mayroong kaeksenang sinampal si KC sabay hinagod niya ang kanyang mukha para laplapin. Well, that’s very un-KC kung ang pagbabatayan natin ay ang kanyang mga previous portrayals fit only for wholesome actresses.

But thanks to direk Chito Rono na unang makatrabaho ni KC, ibang KC nga ang bubulaga sa publiko sa higanteng telon. Hence, ganoon na lang din kung gawaran ng accolades ng bida ritong si Laguna Governor ER Ejercito a.k.a. Jeorge Estregan ang kanyang love interest.

Hindi lang basta paghanga ang nasambit ng aktor-politiko sa aktres na nakatikim din pala ng talak mula sa kanilang “terror director.” Ani Gov. ER, ”KC is even a better actress than her mother Sharon Cuneta!” na ikinatensiyon ng host-moderator ng presscon nito na si Jobert Sucaldito.

Hindi pa roon nagkasya ang ama ng lalawigan ng Laguna. Hirit niya, ”Kapag hindi naging Best (Festival) Actress si KC dito, isa lang ang ibig sabihin niyon, dinaya!”

The press all knew where Gov. ER was coming from. Noong isang taon kasi, his festival entry El Presidente lost to Star Cinema’s One More Try that clinched the Fernando Poe Jr. (his ninong)Memorial Award gayong ang major criterion nito ay may kaugnayan sa national patrimony.

And El Presidente was the only entry that deserved such recognition.

“Kaya roon sa Best (Festival) Actor award, hindi na ako umaasa…ayoko nang mag-try.”

Robin, ‘di nababahalang may makakanting opisyal sa 10,000 Hours

ROBIN PADILLA umanib sa NPA!

Ito ang naging rebelasyon ng action star sa presscon ng kanyang 2013 Metro Manila filmfest entry, ang 10000 Hours. Loosely based on the dark secrets of Senator Panfilo “Ping” Lacson na nagtago rin noon sa batas, Robin himself was also a fugitive.

Matatandaang kinasuhan noon si Robin (if we’re not mistaken) ng ilang counts of illegal possession of firearms. Bagamat he served his sentence at the New Bilibid Prisons, nagtago raw siya sa kabundukan sa Kabikulan na sumama siya sa NPA kahit may nakaambang arrest warrant na sa kanya.

Robin believed he was not guilty of the charges, kaya katwiran niya ay bakit papayag siyang makulong? But thanks to his then-wife Liezel Sicangco who went up the mountains to convince him to turn himself in dahil mayroon siyang atraso sa batas.

Malaki ang bilib ni Robin sa materyal as much as he holds Sen. Lacson in high esteem partikular na ang mga talumpati nito sa Senado. Hindi siya nagdalawang-isip na bigyang-buhay ang karakter bilang Senator Gabriel Molino Alcaraz.

Bilib din si Robin sa mga bagitong producer nito who make up N2 Productions na sina Boy2 Quizon at Neil Arce dahil sa palabang attitude nito.

But based on the cinematic content, hindi ba nababahala si Robin na baka may makanti siyang mga matataas na opisyal sa pamahalaan? His answer: a big NO.

Unang-una, filming started even before the pork barrel scam involving a number of legislators both in the Senate and in Congress was exposed to the public. Ikalawa, fiction ang 10000 Hours. At ikatlo and most importantly, ayon kay Binoe, ”Kapag may nag-react, ibig sabihin, guilty sila!”

Samantala, ang direktor nitong si Bb. Joyce Bernal enjoins the public through the press na sana’y tangkilikin ang pelikula to ensure its box office success for the sake of its producers.

Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …