Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Hepe ng MPD-Finance dep’t ipinasisibak (MPD commemorative plate sapilitang ipinagbibili sa pulis)

MAAARING masibak bilang hepe ng Manila Police District-Finance Department,  matapos magpalabas ng isang memorandum na nag-aatas sa mga miyembro ng MPD nakatanggap ng P6,000 allowance kay Manila Mayor Joseph Estrada, para bumili ng commemorative plate na “MPD 113” sa halagang P2,000.

Sa panayam kay MPD Director C/Supt. Isagani Genabe, sinabi nito na “definitely ire-relieve” si PS/Insp. Reynaldo Agoncillo, dahil sa inisyu nitong memorandum.

Nabatid na ilang pulis Maynila ang nagpunta sa tanggapan ng MPD Press Corps para isumbong ang nabanggit na memorandum ni Agoncillo.

Kaugnay nito, sinabi ni Agoncillo na ini-recall na niya ang nabanggit na memorandum, kahapon din.

“Humihingi ako ng paumanhin, nagkamali ako, nagmamadali kasi ako kahapon, basta pinirmahan ko na lang iyon ng hindi ko binasa pagkatapos ay umalis na ako, e napa- Xerox na pala nila at nai-dessiminate na, pinatawag na nga ako ni DD, nag-sorry na ako, sinabi ko na hindi na mauulit ang nangyari,” ani Agoncillo.

Nalaman na muling gumawa ng commemorative plate ang MPD para sa nakatakdang anibersaryo sa Enero, 2014.

(leonard basilio)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …