Wednesday , May 7 2025

Big Chill asam na walisin ang huling 3 laro

WALISIN ang huling tatlong laro at kunin ang isa sa dalawang automatic semifinals berths na nakataya sa 2013-14 PBA D-League Aspirants Cup ang misyo ng nangungunang Big Chil na may 9-1 karta.

Ang una sa tatlong natitirang games ng Superchargers ay kontra Wang’s Basketball Couriers mamayang 12 ng tanghali sa Ynares Arena sa Pasig City.

Pagkatapos nito’y magkakaroon ng mahigit na isang buwang bakasyon ang Superchargers bago makaharap ang Boracay Rum sa Enero 27 at ang Hog’s Breath Cafe sa Enero 30.

“This is crucial. Kasi galing sa panalo ang Wang’s,” ani Big Chill coach Robert Sison. “Kailangan naming manalo dito dahil hindi ko alam kung ano ang magiging shape ng team ko pagkatapos magbakasyon.”

Ang Superchargers, na nakaseguro na sa pagpasok sa quarterfinals, ay pinangungunahan nina Brian Heruela, Rodney Brondial, Mar Villahermosa, Juneric Baloria at ex-pros Riel Cervantes at Khasim Mirza.

Ang Wang’s Basketball Couriers ay may 4-5 record matapos na magwagi kontra Arellano U/Air 21, 71-68 noong Martes.

Sinabi ni coach Paulo Lucas na bunga ng panalo kontra Chiefs, malamang na tumaas naman ang morale ng Couriers at makapagbigay sila ng magandang laban kontra Superchargers.

Ang Couriers ay pinamumunuan nina Macky Acosta, Jessie Saitanan at Jonathan Banal.

Sa ibang mga laro, magtatagpo ang Jumbo Plastic at Blackwater Sports sa ganap na 2 pm samantalang magtutuos ang Boracay Rum at  Zambales M-Builders sa ganap na 4 pm.

Ang Jumbo Plastc ay nasa ikatlong puwesto kasama ng Hog’s Breath Cafe sa kartang 7-2 samantalang ang Blackwater Sports ay may 4-2.

“This is an acid test for us. Makikita kung hanggang saan kami aabot after this game against Blackwater,” ani Jumbo Plastic coach Stevenson Tiu na umaasa kina Jason Ballesteros, Elliot Tan at Jan Colina.

Ang Blackwater Sports ni coach Leo Isaac ay sumasandig kina Gio Ciriacruz, Narciso Llagas, Bacon Austria at Allan Mangahas.

Ang Boracay Rum ay may 3-5 record at nanganganib na malaglag samantalang may 2-7 karta ang Zambales M-Builders at hindi na makakahabol pa sa quarterfinals.

ni SABRINA PASCUA

About hataw tabloid

Check Also

Shaunna Polley Olivia Macdonald Volleyball World Beach Pro Tour Futures Nuvali

Kiwis, kampeon muli sa BPT Futures Nuvali para sa ikalawang sunod na gintong medalya

NAKAMIT nina Shaunna Polley at Olivia Macdonald ng New Zealand ang kanilang ikalawang titulo sa …

Alyana Nicolas pole vault ICTSI Philippine Athletics Championships

Nicolas, matagumpay na naipanalo muli ang women’s pole vault title sa ICTSI PH meet

CAPAS, Tarlac – Muling pinatunayan ng Fil-Am na si Alyana Nicolas ang kanyang pagiging nangungunang …

Pia Cayetano Padel Pilipinas

Pia Cayetano nais palaguin ang Padel sa buong bansa

TULOY-TULOY ang suporta ni Senador Pia Cayetano para sa mga national coach at atleta ng …

Florentino Inumerable

Florentino Inumerable, kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Championships

HINDI lang nagwagi kundi kampeon ang beterano at United States chess master na si Florentino …

Darell Johnson Bada Yukiho Okuma NTT Asia Triathlon Cup sa Subic

Nangibabaw sina Bada ng PH at Okuma ng Japan sa elite junior sa Subic International Triathlon

OLONGAPO City, Zambales – Nakopo ng Pinoy na si Darell Johnson Bada ang kampeonato sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *