Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

No choice na si Mayweather Jr

KAPAG hindi nagkaroon ng kaganapan ang labang Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr. sa susunod na taon, ano ang magiging direksiyon ng boxing career ng dalawa?

Tingin natin, kapag patuloy na iniwasan ni Floyd si Pacquiao sa taong 2014, muling tataas ang inis sa kanya ng boxing fans.   Aba’y ano pa nga ba ang gagawin niya sa ibabaw ng ring ngayong tinalo na niya ang lahat ng matatawag na kredibol na kalaban sa welterweight division?

Tingin ng mga eksperto sa boxing, obligado nang labanan ni Floyd si Pacquiao na matagal nang naghihintay na harapin niya.   Dahil kung hindi at mamimili siya ng kalaban—tagilid na sumisid ang kanyang career.   At kapag nangyari iyon ay bubulusok din ang papularidad niya sa pay-per-view.

Para naman kay Pacquiao, walang mawawala sa kanya at mananatiling mainit ang pagtanggap ng fans kahit na iwasan siya ni Floyd.   Mahalaga kasi ang naging malaking panalo niya kontra kay Brandon Rios noong nakaraang buwan para makabalik sa limelight ng kasikatan.

At isa pa, hindi man magkaroon ng kaganapan ang laban nila ni Mayweather ay maraming interesanteng boksingero ang puwede niyang harapin na tiyak na kakagatin ng boxing world.

Alam naman natin na nariyan si Tim Bradley na tinalo si Pacquiao sa isang kontrobersiyal na desisyon.   Mataas ang kuryusidad ng fans na muling magharap ang dalawa para patunayang yari lang ang pagkatalo ni Pacman kay Bradley.

Nariyan din si Juan Manuel Marquez na nagpatikim ng malagim na knockout kay Pacquiao sa 6th round sa paghaharap nila sa ikaapat na pagkakataon.

Pananaw ng boxing world na tiyamba lang ang knockout na iyon at ang muling paghaharap ng dalawa ang magpapalaya sa agam-agam ng fans.

Alex L. Cruz

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …