Monday , December 23 2024

Pangkabuhayang pagkamamamayan (Unang bahagi)

ANG pagkamamamayan o citizenship ay tradis-yonal na tinitingnan bilang kontra ng isang tao at estado. Ito ay nagbibigay sa isang indibidwal ng kaukulang karapatan at mga pananagutan sa lipunan.

Gayon man sa panahon ngayon kung kailan komplikado na ang lipunan at namamayagpag ang pagiging gahaman ng mga may-ari ng kapital at mga taong sangkot sa politika, ang tradisyonal na kontratang ito ay dahan-dahan nababago. Ito ay napapalitan  na  ng tinatawag na pangkabuha-yang pagkamamamayan o economic citizenship.

Ayon sa ika-18 siglong pilosopo na si Jean-Jacques Rousseau, “ang pagka-mamamayan ay isang kondisyong panlipunan.”  May katotohanan ang sinabing ito ng pilosopong Pranses. Ngayon na malawak na ang gawak sa yaman ng ma-yayaman at mahirap, ang benepisyo ng pagkamamamayan ay lubos na tinatamasa ng mayayaman habang lumiliit naman ang kanilang panana-gutan sa lipunan. Sila ay binibigyan pa nga ng puwang ng estado upang maging madali ang kanilang pamumuhay.

Samantala, ang mahihirap naman ay sagad-sagad sa mga pasa-ning responsibi-lidad. Dala ng kanilang labis na kahirapan, ang kanilang tinatamasang pagka-mamamayan ay halos limitado sa pagboto lamang. Nananatili ang karapatang ito sa kanila sapagkat kailangan mabigyang katwiran ang pananatili ng mga pul-politiko sa poder.

Hindi maikakaila na walang kapangyarihan ang mahihirap na magpasya sa mga bagay na may kinalaman sa kinabukasan ng bansa lalo na sa aspetong pang-ekonomiya. Ang tungkuling ito ay sa loob ng board rooms pinagpapasyahan ng iilang may-ari ng kapital. Tanging ang kagustuhan lamang ng minoryang mayayaman ang nasusu-nod. Hindi uso ang demokrasya at ang pagiging disente sa mga pulong na ito.

“Kami ay naandito para gumawa ng pera, hindi para magtapon nito,” ang laging pahayag ng mga may ari ng kapital habang ipinagtatanggol ang kanilang sariling interes at kawalan ng inte-res na tumulong ng bukal sa kapwa.

Sa katunayan, kung sila ay nalulugi sa negos-yo ay gagawa at gagawa sila ng paraan upang maipasa ang kalugihan sa mga mamamayan (ito ang dahilan ng madalas na pagtaas ng halaga ng koryente, tubig, pagkain at iba pa). Kung sila man ay magbigay ng mga donasyon ay tiyak na babawiin nila ito sa paghingi ng tax exemptions. Hindi sila nagbibigay ng walang kapalit at ma-dalas ang katumbas nito ay kalugihan sa kaban ng bayan.

Pansinin na sadyang walang kapangyarihan ang mayorya sa lipunan kahit sa usaping pang-kultura. Ang mahihirap ay tagatanggap lamang ng mga ipinamumudmod ng iilan mula sa itaas. Tagabili lamang sila ng uso upang makasunod sa moda. Hindi nila napapansin na ang ganitong kaayusan ay lalo lamang nagdaragdag sa kanilang kawalan ng kapangyarihan. Ang pagsu-nod ng mahihirap sa mga ipinauuso ng mayayaman ay patagong pagtanggap sa kanilang ka-aba-abang kalalagayan. Para sa mayaman ang mga mahihirap ay mabuting pambala lamang sa kanyon at tagabili ng kanilang ipinagbibili. (itutuloy)

* * *

Kung ibig ninyong maligo sa isang pribadong hot spring ay pumunta kayo sa Infinity Resort, Indigo Bay Subdivision, barangay Bagong Kalsada, Lungsod ng Calamba. Malapit lamang ito sa Metro Manila at mula rito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Kontakin ninyo si Gene Lorenzo sa [email protected] para sa karagdagang impormasyon.

Neslon Forte Flores

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *