Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mariel, kayang tanggapin ang lahat-lahat kay Robin, ‘wag lang ang pambababae! (Dahil wala pang 10,000 hours iiwan na niya ito agad-agad)

NAKALIKOM ng kalahating milyong piso (P500,000) sina Mariel Rodriguez-Padilla, Grace Lee, Rufa Mae Quinto, Camille Prats, at Ms Shalani Soledad-Romulo sa napagbentahan nila sa bazaar na ginanap sa Starmall Mandaluyong City kamakailan at ibibigay nila ito sa Yolanda victims.

Ayon kay Mariel, ”sa lahat ng walang trabaho, ako ang busy, kaloka! Naging busy sa bazaar and holiday season pa,” sabi sa amin.

Ang nasabing bazaar ay idea raw ni Shalani at si Mariel ang nagpatupad nito since may karanasan na siya sa pagpapatakbo nito.

“Ang napagbentahan ay para sa Yolanda victims, at nakabenta kaming lahat up to P500,000 together with Shalani, Camille, Rufa Mae, and Grace,” sabi pa ni Mariel.

Samantala, tinanong namin kung paano na ang showbiz career ng TV host, ”hindi ko muna iniisip, At saka na pagpasok ng 2014, Reggs,” ito kaagad ang sagot sa amin.

Bongga si Mariel, mukhang kuntento na siya sa pagiging maybahay ng asawang si Robin Padilladahil hindi niya naisip pang magtrabaho?

Naalala tuloy namin ang kuwento ng manager ni Binoe na si Betchay Vidanes, ”kaya ‘pag nagloko pa si Robin, ako na mismo sasapak sa kanya, ang suwerte niya kay ate Mariel, sobrang love at asikaso siya, grabe.”

Oo nga, ewan na lang kung makakakita pa si Robin ng kasing bait, kasing maalaga, pasensiyosang babae at hindi umaasa sa kinikita niya kapag nambabae pa siya.

Sabi nga ni Mariel dati, tanggap niya lahat ang nakaraan ng aktor, pati mga anak at iba pa, isa lang ang hiling niya, huwag ng mambabae pa si Robin dahil hindi na aabutin pa ng 10,000 hours at magba-babu na siya kaagad.

Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …