Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pauleen, gamit na gamit sa movie nina Vic at Kris

MISTULANG si Pauleen Luna ang bida sa movie nina Vic Sotto at Kris Aquino dahil sa rami ng write-up niya ngayon. Ang paksa, tungkol sa planong pagpapakasal sa kanya ni Vic komo’t magpa-Pasko na.

Biglang may mga angulong hindi na kayang mag-isa ng actor at gustong magpakasal na sila ni Pauleen! Umuugong tuloy ngayon ang katanungang, kapag ba naipalabas na ang movie ni Vic, magpatuloy pa ang kasalan?

Saan nga ba napupunta ang kinikita ng MMFF?

MAY mga nagtatanong, saan ba raw napupunta ang kinikita ng MMFF?

Kung ibalita kasi palaging milyon-milyon ang kinita sa takilya pero ni isang school man lang yata ay walang naipagagawa sa mga tagahanga na tumangkilik ng pelikula?

Saan nga po ba, napupunta ng kita nila every year?

Phoemela, ‘di na umangal sa pananampal dahil baka mawalan ng project?

MARAMI na palang artistang natatakot uminom ngayon dahil baka matulad kay Anne Curtis na nanampal sa kapwa artista.

Dapat daw kay Anne, kung anumang problema mayroon s’ya, huwag dalhin sa inuman. Minsan kasi, baka sa kalasingan, baka mismong may-ari ng bar ang masampal kapag inaawat sila nito sa pagbabangayan.

Balitang hindi makaangal sa Phoemela Baranda ngayon dahil mawawalan s’ya ng project sa darating na araw.

Lovi, ayaw patalbog kay Charee

HINDI pumayag si Lovi Poe na masapawan sa eksena ni Charee Pineda sa serye sa GMA. Nagdrama s’ya nang todo at totoong sampal ang dumapo sa face ni Charee.

Nawala daw yata ang antok ni Charee noong sampalin ni Lovi. Si Rocco Nacino ang boto ng fans para kay Lovi kahit bad boy ito. Ayaw nila kay Cesar Montano dahil parang magiging mala-Vic Sotto at Pauleen Luna ang situation kung saka-sakali.

Kalendaryo ni Angel, mas mabenta!

NAKITA namin ang mga nagkalat na kalendaryo ni Angel Locsin sa Avenida, Rizal na mabentang-mabenta.

Sumunod daw kay Angel ay ang kalendaryo ni Marian Rivera.

Vir Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …