Friday , November 22 2024

‘Skyway incident’ bubusisiin sa Kamara

121813 don mariano busBINAWIAN ng Land Transportation, Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng prankisa ang Don Mariano Transit Corporation makaraan masangkot sa aksidente na ikinamatay ng 18 katao at marami ang sugatan.  (RAMON ESTABAYA)

PINAIIMBESTIGAHAN ni Pangasinan Rep. Leopoldo Bataoil ang malagim na aksidente ng Don Mariano bus transit sa House committee on transportation na ikinamatay ng maraming pasahero.

Ayon kay Bataoil, layunin nito na hanapan ng konkretong solusyon ang problema sa operasyon ng mga bus na karaniwang nasasangkot sa malalagim na aksidente.

Sinabi ng kongresista na kailangang mahigpitan pa ang proseso sa pagtiyak na maayos ang mental at physical state ng mga driver ng bus para hindi nalalagay sa panganib ang mga pasahero.

Panahon na rin aniyang magtakda nang mas mahigpit na panuntunan para sa pagsunod sa speed limit.

Kasabay nito, kinatigan ni Bataoil ang mungkahi ni Iloilo Rep. Jerry Treñas na lagyan ng speed limiter ang mga bus upang hindi na makapag-over speeding at mas siguradong iwas disgrasya.

Para sa Pangasinan solon, magandang ideya ito na dapat mapag-aralan ang mekanismo sa gagawin nilang pagdinig.

PAYO NG LTFRB SK ‘KILLER BUS’ VICTIMS ‘WAG MAGPAAREGLO

PINAYUHAN ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga pamilya at biktima nang madugong aksidente na kinasangkutan ng Don Mariano Transit Company, na huwag magpa-areglo sa kasong dapat kahaharapin ng kompanya.

Nilinaw ni LTFRB chair Winston Ginez, hindi kailangang pumirma ng ano mang kasunduan o waiver ang mga biktima para makatanggap ng kaukulang insurance benefits.

Tinukoy din ni Ginez na “no risk” policy ang insurance coverage sa mga pampublikong sasakyan kung kaya’t hindi kailangang patunayan muna ang kasalanan ng bus company bago mabayaran ng danyos ang mga biktima.

“Ito po ay ‘no risk insurance’ hindi kailangang patunayan ang kasalanan o may mechanical error, kaya wala silang dapat pirmaham o mag-execute ng affidavit,” giit ng opisyal.

Una nang ipinag-utos ng opisyal ang agarang pagkansela sa prankisa ng 78 units ng bus line.

Ayon sa opisyal, tututok ang kanilang imbestigasyon sa “road worthiness” ng mga units at “competence” ng mga driver ito.

Aminado rin ang opisyal na ang pinakamabigat nilang parusa kung sakaling mapatunayan ang pagkukulang ng kompanya ay pagbawi lamang sa lisensya ng kompanya at hindi na papayagang makapag-operate.            (BETH JULIAN)

DRIVERS NG DON MARIANO 19-ORAS BUMIBIYAHE

BUMIBIYAHE ng hanggang 19 oras kada araw ang mga driver ng Don Mariano Transit Corp. para makuha ang kanilang arawang “boundary” na P12,500.

Ayon sa isang empleyado ng kompanya, sa nasabing kita, 10 percent lamang ang naiuuwi nila sa kanilang pamilya.

Una nang inihayag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na nakitaan din ng paglabag ang kompanya ng mga probisyon sa labor law, partikular ang hindi pagbibigay ng regular salary sa mga driver nito.

Samantala, naka-alerto ngayon ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa posibleng tangka ng Don Mariano Transport Corp., na muling magparehistro sa ilalim ng bagong pangalan.

Una nang sinuspinde ni LTFRB chairman Winston Ginez ang operasyon ng 78 units ng nasabing kompanya matapos masangkot ito sa madugong aksidente.

Batay din aniya sa inisyal nilang pagsuri sa rekord ng kompanya, lumalabas na dati nang nasangkot sa iba’t ibang kaso at traffic violations ang ang kompanya.

22 BUS NG DON MARIANO BAGSAK SA LTO

Dalawampu’t dalawang bus ng Don Mariano Transit ang bumagsak sa paunang inspeksyon ng Land Transportation Office (LTO) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Ito’y kabilang sa inisyal na 30 sinuri sa 78 bus ng kompanya na sinuspinde dahil sa aksidente sa Skyway na ikinamatay ng 18 pasahero.

Dakong 9:00, Martes ng umaga nang umpisahan ng mga tauhan ng LTO at LTFRB ang inspeksyon sa Motor Vehicle Inspection Center sa Quezon City.

Sa paunang pagsusuri, sinabi ni Josie Tataro, transportation development officer II ng LTFRB, 22 bus ng Don Mariano ang hindi masasabing road worthy.

Karamihan sa mga bus ay mayroong mga kalbong gulong, sirang ilaw at wiper at dispalinghadong signal lights.

Bukod sa pagsusuri sa bus, isasalang din sa seminar ang mga tsuper nito bago payagang bumiyahe oras na makakuha ng clearance o certification mula sa dalawang ahensya.

Sa ngayon, bawal bumiyahe ang lahat ng bus ng Don Mariano Transit.

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *