Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kid Molave, tensile strength, up and away wagi sa 14th philtobo grand championship

Napagtagumpayan noong Lingo ni Kid Molave na hablutin ang titulo bilang Juvenile Champion matapos pakainin ng alikabok ang mga kalaban nito sa pagtatapos ng 14th Philtobo Grand Championship sa Santa Ana Park, Naic Cavite.

Sa mahusay na pagdadala ni Jockey Jessie B. Guce, magaan na naitawid nito ang Kid Molave sa finish line ng 1,600 meters.

Kinubra ni Horse Owner Manny Santos ang P1.780 milyon na unang premyo sa pagwawagi ni Kid Molave habang pumangalawa ang dehadong Fairy Star na nag-uwi naman ng P.675 milyon.

Ayon kay Santos ihahanda niya si Kid Molave sa mga malalaking pakarera ngayon darating na 2014 na hinuhulaang  magiging mabigat na kontender sa Triple Crown championship.

Tinanghal naman na kampeon sa Philracom-Philtobo Juvenile Fillies Championship ang Up and Away, matapos talunin nito ang mahigpit na karibal at llamadong si Love Na Love, na mula sa kuwadra ni Hermie Esguerra.

Walang kahirap-hirap na napagwagian ng alaga ni dating Commisioner Jun Sevilla na  Tensile Strength ang  Philtobo Classic Cup matapos tawirin ang 2,000 meters,  pumangalawa ang Sulong Pinoy.

Pasasalamat ang ipinarating ni Philtobo President Nonoy Niles sa suporta na ibinigay ng bayang karerista.

Ni andy yabot

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …