Friday , November 15 2024

‘Police visibility’ problem pasalubong kay NCRPO RD Gen. Carmelo Valmoria?!

00 Bulabugin JSY

MUKHANG nag-buena mano kay NCRPO chief, Gen. Carmelo Valmoria ang ‘MARTILYO GANG.’

Parang gustong ipamukha kay GENERAL na may ilang ENGOT na pulis ang naipasa sa kanya ni Gen. Marcelo Garbo.

Kung ‘natatawaran’ ang kakayanan ng mga pulis, dahil sa mga kapalpakan at kapabayaan sa trabaho, ‘yang mga notoryus na MARTILYO GANG, hindi pwedeng tawaran ang kakayanan ng mga ‘yan.

Kasi mas maingat sila at gusto nila ay mas sigurado ang trabaho nila.

Bago sila pumasok o sumalakay sa isang lugar, ilang panahon din nilang pinag-aaralan ‘yan.

E mantakin n’yo nga, d’yan pa sa loob ng isang malaking mall (SM North) bumili ng martilyo na ginamit nila sa pagnanakaw at pagsalakay.

Hindi lang ‘yun, alam na alam nila kung anong oras walang gwardiya kaya ‘yun ang tiyempong inabangan nila.

S’yempre, as usual, nagtagumpay ang MARTILYO GANG at naiwang nagkakamot ng bayag ang mga inutil na gwardiya ng SM at lespu.

Ang konsolasyon? Wala raw nasaktan sa publiko …

Sonabagan!!!

E paano kung meron namatay, o nasugatan sa stampede dahil sa pagkakagulo ng mall goers?

Ano kaya ang maririnig natin na katwiran ng mga pulis?

Tiyak na matagal bago malimutan ng mga batang nakasaksi sa nasabing insidente ang takot at trauma na kanilang naramdaman.

Pero ang higit na nakaka-TRAUMA dito ay ‘yung maramdaman ng mga kababayan natin na kahit sa isang MALL ay hindi na rin sigurado ang kaligtasan ng bawat mamimili lalo na ang mga bata.

‘E Gen. VALMORIA Sir, paki-check naman ang mga pulis ninyo sa Quezon City Police Department, baka naman NAMAMASKO na sila kaya hindi sila nakapagresponde agad!?

Mukhang malaki ang pangangailangan na ‘PAGPAHINGAHIN’ muna ang mga opisyal at pulis ng estasyon na nakasasakop d’yan?!

Ano sa palagay ninyo, QCPD DD Gen. Richard Albano?!

‘JANET NAPOLES’ AT ‘MAM ARLENE’ NG BI, NAGPA-X’MAS PARTY SA IMMIGRATION EMPLOYEES

ALAM kaya ni BI-OIC Fred Mison, na may kumontra sa ipinalabas niyang direktiba na ang Bureau of Immigration (BI) will celebrate Christmas in modesty.

Magkakaroon na lang daw ng outreach program sa isang orphanage ang BI.

Very good Mr. BI-OIC!

‘E sandali lang, ano itong pumuputok na usapan sa BI main office na ‘yun dalawang notorious na FIXER sa bureau ay nagpa-Christmas Party last week d’yan sa VIKINGS SM MOA na dinaluhan ng halos 100 empleyado!?

After pa nga raw ng masarap na lamunan ‘este’ chibugan ay may pakimkim (love offering) pa raw ang dalawang bruha ‘este’ fixer sa mga invited BI guests nila.

Aba Mr. OIC Mison, mas ‘GALANTE’  pa pala sina alias BETTY CHUWAWA at ANNA SEY sa mga BI employees?

Mabagsik talaga ang influence nitong dalawa dahil mukhang mas sinusunod ng mga tauhan ni OIC Mison sina ‘Napoles’ at ‘Mam Arlene’ ng BI?

Anyway, invited rin kaya si BI Associate Comm. OIC Roy Ledesma at si TANGing INA sa affair na ito?

AIRPORT EX-BARONG BOY SINIBAK!

Nasagap ng ating Bulabog boys sa airport na ‘binastos’ at ‘sinagot-sagot nang pabalang’ daw ng isang Retired Philippine Marines na dating miyembro ng kilabot na grupo ng ‘Barong Boys” si NAIA-T-1 Manager Mr. Dante Basanta.

Ang akala yata ng retiradong sundalo porke ‘bata’ raw siya ni MIAA GM Jose Honrado ay kakampihan siya nito. Pero nagkamali siya ng hinala mga mahal kong readers.

Dahil sa pangyayaring ‘di inirespeto si TM Basanta imbes kampihan ay inani niya ang galit ni GM Honrado.

Agad ipinasibak ni GM Honrado ang ex-Barong Boy na noong unang makita sa airport ay hanep ang angas sa ginagawang paninita kahit walang awtorisasyon.

Bagama’t hindi sinabi sa inyong lingkod ang reason behind the disrespectful acts of former Marine Corporal Bong UGLY-yam mukhang BINGO na siya dahil kagagaling pa lamang niya mula sa one month suspension?!

Sabi ng source natin, ang dahilan ng pagkaka-suspinde kay Marine Cpl. UGLY-yam ay ang kamalasadohang ginawa nang palitan niya ng fancy ang genuine jewelry na napulot ng isang Janitor sa airport.

Pumutok ang pangyayaring ‘yun hanggang  nakarating kay GM Honrado.

Kung kaya naman ‘di rin n’ya kinonsinti at kaagad na sinuspendi si ex-barong boy.

Marami na rin ang mga nakasasaksing airport in-house reporters sa umano’y ‘di sibilisadong kilos ni UGLY-yam tulad ng pagtanggap ng goodwill money mula sa money changer na dati niyang inaangasan.

Dito ipinakita lang ni GM Honrado na walang bata-bata system sa kanya.

Kapag nagkamali ka sa airport …sabit ka!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Christine Bermas Yen Durano Celestina Burlesk Dancer

Christine Bermas tuloy ang paghuhubad sa VMX 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKUWESTIYON ang muling pagsabak ni Christine Bermas sa pagpapa-sexy sa pamamagitan ng …

Winnie Cordero Amy Perez

Tita Winnie, Tyang Amy masaya, pressured sa balik-Teleradyo 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MAGKAHALONG saya at lungkot ang naramdaman kapwa nina Winnie Cordero at Amy Perez sa …

La Consolacion College Fire

Sa Mendiola, Maynila  
LA CONSOLACION NASUNOG EMPLEYADO SUGATAN

SUGATAN ang isang empleyado sa sunog na tumupok sa La Consolacion College, sa Mendiola St., …

Motorsiklo sinikwat tirador natunton sa mga kuha ng CCTV

Motorsiklo sinikwat ‘tirador’ natunton sa mga kuha ng CCTV

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos nakawin ang isang nakaparadang motorsiklo sa Sta. …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *