Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Willie, Santa Claus sa kanyang fans

NA-TOUCH kami nang marinig ang kuwentuhan ng mga Wowowillie avid follower ni Willie Revillame. Nalulungkot daw sila, dahil malapit na ang Pasko, wala silang Santa Claus. Ang turing kasi nia kay Willie ay Santa Claus.

Kahit paano dumaing lang sila kahit pamasahe sa actor/TV host, hindi sila nabibigo. Ngayon feeling nila, wala silang malalapitan. Malungkot daw ang Pasko sa kanila.

Mabuti pa ang mga staff niya, kompleto sa ipinangako ni Willie noon.

Kasalang Vic at Pauleen, tuloy pa kaya?

MALAMIG daw ang Pasko kaya ang sabi, gustong pakasalan ni Vic Sotto si Pauleen Luna. Pero, naunahan tuloy siya ni Ka Freddie Aguilar.

Kaya lang may tanong, pagkatapos daw kaya ng showing ng pang-film fest movie ni Vic, tuloy pa rin ang pangarap niyang magpakasal?

Well abangan ang bonggang kasagutan!

Ejay, may pagtatangi kay Sarah

NGAYONG magpa-Pasko, may palarong basketball sa Pola Oriental Mindoro si Ejay Falcon para sa kanyang mga kababayan.

Noong makasama naming si Ejay sa out of town show sa Nueva Ecija, nabanggit niyang magpapaliga siya sa kanyang mga kababayan. Kahit bongga na ang buhay niya sa Maynila, ang Pola pa rin ang number one na lugar para sa actor.

Siyang i-build up bilang action star ni direk Toto Natividad. Masuwerte si Ejay, barakong director ang nag-build-up sa kanya.

Kababayan ni Ejay ang dating aktres producer na si Inah Alegre na tumakbong Mayor sa naturang lugar. Walang planong magpolitiko si Ejay. Number one niyang hinahangaang artistang babae siSarah Geronimo. Ang tanong, makalusot kaya siya kay Mommy Divine?

(VIR GONZALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …