Friday , January 10 2025

Bawal ang sad

The Word became flesh and made his dwelling among us. We have seen his glory of the One and Only, who came from the Father, full of grace and truth.—John 1: 14

BAWAL  ang sad, dapat happy!

Ito ang palaging sinasambit na linya ng child star na si Ryzza Mae Dizon sa kanyang pang-umagang TV program bago mag-Eat Bulaga.

Ganito rin umano ang gusto ng Pangulong Erap ayaw niya ng malungkot gusto niya laging masaya sa kanyang opisina sa city hall kaya halos lahat ng kanyang nakakaharap ay may nakahanda siyang “Erap Jokes”

***

KAYA naman nang minsan ay nagbiro si Pa-ngulong Erap sa isang opisyal, kung bakit sa kabila na kapwa sila napiit sa kulungan ay tila walang pagbabago sa kanilang itsura.

Litanya ng Pangulong Erap: Pare bakit tayo guwapo pa rin, kompara kay GMA na nakulong lalong pumanget? Bakit nga po? Sagot ng opisyal.

Sabi ng Pangulong Erap: Kase tayo laging nagsisimba kay St. Jude samantala siya (GMA) sa St. Lukes!

***

NAHIWAGAHAN  din ang kausap ng Pangulong Erap nang sabihin niya na magbibigay siya ng P50,000 kapag nalaman ang laman ng sulat ng nagpatiwakal na si dating Defense Secretary Angelo Reyes na ibinigay umano kay GMA.

Tanong ng Pangulong Erap: Ano pare, sirit ka na ba? E sir meron ba sulat si Sec. Reyes kay GMA? Tanong ng opisyal.

Meron! Sabi ng Pangulong Erap. Nakalagay do’n “Ma’m you will be the next in line!”

Ehek!

***

NAPAKAIKLI lang naman kasi ng buhay  ng tao, kaya sulitin na natin ito sa masasayang araw, gaya ng ginagawa ng Pangulong Erap,  payo nga ng doktor, laughter is the best medicine.

Dahil kung masyado mong seseryosohin ang buhay ay baka maaga kang kunin ni Lord.

Kaya naman mga kabarangay, palaging galaw-galaw at baka ma-stroke!

… BUT NO JOKE FOR UDM ISSUE!

PERO ito ang hindi dapat biruin. Dahil marami ang nagtatanong sa atin kung totoo bang magkakaroon na ng “tuition fee” sa Universidad de Manila (UDM)? Sinasabi sa susunod na taon na raw ito iimplementa na ideya umano ni Dr. Benjamin Tayabas.

Naku, ‘yan ang masamang biro sa maraming magulang at estudyante. Malaking pasakit ito kapag nagkataon dahil nasanay na ang mga taga-Maynila na wala silang binabayaran ni singkong duling sa UDM.

Please lang ‘wag n’yo kaming biruin nang ganyan!

***

ANG UDM na dating City College of Manila ay naitayo ni Mayor Fred Lim na may konseptong libreng edukasyon sa mahihirap na taga-Maynila.

Ito lamang ang tanging unibersidad sa buong bansa na walang binabayaran anuman sa eskwelahan.

At si Mayor Lim lamang ang nakagawa n’yan!

***

MARAMI ang malulungkot kapag natuloy ang ideyang ito ni Dr. Tayabas. Marami nang kinasangkutan eskandalo ng katiwalian si Dr. Tayabas, nararapat lamang na tanggalin na siya sa government service.

Dapat magpahinga na si Dr. Tayabas sa gobyerno. Matagal nang nakalimutan ang ginawa niyang alingasngas sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) pero dahil bumalik muli siya sa academe, tuloy nahalungkat muli ang kanyang ‘baho.’

Naku, baka ma-second bypass ka pa n’yan!

BAYWALK GINAWANG PALENGKE

KUNG saan-saan na natin nakikita ang mga tent vending na pinauso ng Manila City hall.

Ngayon pati sa baywalk ay mayroon na rin nito na nasa kahabaan ng Roxas Boulevard.

***

IISA  ang obserbasyon ng lahat sa sitwasyon (lalo na ng mga TV News Anchors na sina Korina Sanchez at Mel Tiangco) natakpan ang ganda ng sunset ng Manila bay.

Hindi na masilayan ang ganda ng Manila Bay at ibinalik muli ang nakasisirang imahe ng lugar na pinuno ng iba’t ibang uri ng merkado.

***

NGAYON nagresulta pa ng matinding trapiko na nararanasan ng mga motorista na may ruta sa nasabing lugar.

Okey lang naman ang magnegosyo, pero mas mahalaga ba ang kita kaysa ang masira ang buong imahe ng Lungsod sa buong mundo? Tayo lang ang lugar sa buong mundo na ginawang palengke ang baywalk!

Nakahihiya!

Para sa anumang komento, mag-email sa [email protected]. o mag-text sa 0932-3214355. Lumalabas ang ating kolum tuwing Lunes, Martes at Huwebes

Chirwoman Ligaya V. Santos

About hataw tabloid

Check Also

Rank no 9 MWP ng Laguna arestado

Rank no. 9 MWP ng Laguna arestado

NADAKIP ang lalaking nakatalang pangsiyam na most wanted person sa provincial level sa isinagawang joint …

Arrest Shabu

3 high-value drug pusher sa Pampanga tiklo P.68-M shabu nasabat

NASAKOTE ng mga awtoridad ang tatlong nakatalang high-value individuals (HVI) at nasamsam ang tinatayang 100 …

Sa anti-crime drive ng Bulacan PNP 17 TIMBOG, P80-K DROGA NASABAT

Sa anti-crime drive ng Bulacan PNP
17 TIMBOG, P80-K DROGA NASABAT

ARESTADO ang 17 indibiduwal na binubuo ng pitong personalidad sa droga, pitong wanted na kriminal, …

4 NBI employees, 7 fixers inaresto sa NBI clearance center

4 NBI employees, 7 fixers inaresto sa NBI clearance center

ALINSUNOD sa atas ni National Bureau of Investigation (NBI) Director (ret) Judge Jaime B. Santiago …

Aksyon Agad Almar Danguilan

QC-LGU, may paaginaldo pa sa QCitizens

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAPOS na ang Pasko…at heto nga Bagong Taon — 2025 na, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *