ITO ang patutsada ni Pangulong Benigno Aquino III sa kanyang mga kritiko na kanyang paulit-ulit na binatikos sa kanyang pagsasalita sa harap ng Filipino community sa Tokyo, Japan kamakalawa.
“‘Yung mga kritiko ho natin may industriya na ho sa Pilipinas … na sa totoo lang ho… hindi ba ang dali naman sumulat ka sa papel, banat ka.
“Talagang kami ho tuksong-tukso (na sabihin) kayo nga kaya pumunta rito at subukan n’yo magagawa n’yo, di ba? Problema ho ni ayaw tumakbo,” pahayag ni Aquino.
Ang administrasyong Aquino ay dinagsa ng mga batikos kaugnay sa sinasabing mabagal na pagtugon makaraan ang pananalasa ng super typhoon Yolanda sa Visayas at ilang bahagi ng Mindanao. Bago ito, binatikos din si Aquino kaugnay sa kontrobersyal na Disbursement Acceleration Program.
Kung paano niya hinaharap ang mga kritisismo, sinabi niya: “Sa totoo lang ho, feel na feel ko po talagang isang malaking karangalan na mamuno ng isang sambayanan na maraming pagsubok na dinaanan, nadadapa, bangon, at palaban pa rin.” (HNT)