MAYROON bang feng shui cures para sa bad energy ng kapitbahay?
Ang sagot dito ay depende sa maraming espisipikong mga detalye.
Kung talagang mahal mo ang inyong bahay at nais mo itong manatili sa good feng shui shape, maaaring kailangan mo ng feng shui consultant na susuri rito upang ganap kang mapayuhan nang wastong feng shui cures.
Maaari ring ang best feng shui na iyong kailangan ay ang lumipat sa ibang bahay. Maaaring mahirap ito ngunit ito ang dapat na ikonsidera kung hindi na matitiis na makasama ang naturang kapitbahay.
Bagama’t ang feng shui ay very po-werful, hindi naman ito ang magical solution sa lahat ng problema sa buhay.
Narito ang ilang feng shui tips upang makatulong na makontra ang bad energy na magmumula sa kapitbahay.
*Lumikha ng strong protective energy sa paligid ng bahay. Ito ay maaaring ang paglalagay ng bakod sa paligid ng bahay, pagtatanim ng matataas na evergreen sa inyong landscaping, o pagbubuo ng feng shui rock garden sa area kung saan nararamdaman mo ang higit na bad energy. Maaari ring maglagay ng tall metal wind chimes, kung sa palagay mo ay higit mong kailangan ng proteksyon at katatagan sa inyong paligid.
*Gamitin ang power ng reflective surfaces upang maitaboy ang bad energy pabalik sa pinagmulan nito. Sa traditional feng shui, ang ginagamit ay bagua mirror para maitulak ang negative energies pabalik, kaya mapoprotektahan ang bahay sa bad feng shui mula sa labas.
Hindi mo kailangang gumamit ng bagua mirror maliban na lamang kung gusto mo ito.
lady Choi