NAGSAWA na sa trabaho sa administrasyong Aquino si Strategic Communication Secretary Ricky Carandang kaya nagbitiw sa tungkulin at tinanggap na ito ni Pangulong Benigno Aquino III.
Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, epektibo ang pagbibitiw ni Carandang sa Disyembre 31, 2013.
“Well, he just mentioned that he believes that he has done his job, that he would like to return to the private sector and that he will wander to the ends of the earth seeking wisdom,” ani Lacierda sa dahilan nang pagbibitiw ni Carandang.
Pinasalamatan aniya ng Pangulo si Carandang sa pagsisilbi sa kanyang administrasyon at sa bansa.
Si Undersecretary Manuel L. Quezon III ang papalit sa babakantehing pwesto ni Carandang.
Aminado si Lacierda na nalulungkot siya sa paglisan sa gobyerno ni Carandang ngunit tiniyak niya na mananatili siya sa administrasyong Aquino hanggang 2016 at wala ring magbabago sa istruktura ng Communications Group ng Palasyo.
(ROSE NOVENARIO)