Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Justin Bieber dumalaw sa Yolanda survivors

TACLOBAN CITY – Dumating sa Tacloban City dakong 1 p.m. kahapon si Canadian pop superstar Justin Bieber sakay ng private plane para dalawin ang Yolanda survivors.

Agad siyang pinagkaguluhan mula sa airport ng kanyang fans na pawang survivors ng nagdaang super typhoon.

Sobrang higpit ng seguridad at hindi basta-basta makalapit ang mga mamamahayag.

Mas binigyan prayoridad ang mga bata na mga biktima sa ilan niyang schedule.

Kabilang sa tinungo ni Bieber ay ang grandstand ng Leyte Sports Center at naghandog ng awitin, habang hindi naman magkamayaw ang mga bata at nag-agawan sa paglapit sa kanya.

Kinantahan ni Justin ng “Happy Birthday” song ang isang bata na may kaarawan sa City Central School na isa sa evacuation centers.

Ayon sa mga survivor,  wala silang kaalam-alam na tutungo sa syudad ang mang-aawit.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …