Sunday , December 22 2024

Nelson Mandela

NAWALAN ng magiting na mamamayan ang daigdig nang pumanaw noong Huwebes si Nelson Mandela sa edad na 95. Siya ay isang rebolusyunaryo at dating pangulo ng South Africa. Ang kanyang pagpanaw ay ipinagluksa ng buong daigdig dahil sa giting na kanyang ipinamalas sa paglilingkod sa kanyang bayan.

Nabilanggo sa loob ng 27 taon, si Mandela ay isang abogado. Siya ay miyembro ng militanteng African National Congress (ANC) na siyang pangunahing grupo na kumilos upang wakasan ang sistemang apartheid sa South Africa. Si Mandela, na kilala rin sa pangalang Madiba, ang nagtatag ng armadong unit ng ANC noong dekada 60.

Nadakip at kinasuhan ng pamahalaang South Africa si Mandela noong 1962 at hinatulang mabilanggo ng habambuhay. Siya kasama ang ilan pang lider ng ANC ay ikinulong sa Robben Island, isang bilangguan na kilala sa kalupitan sa pagtrato sa mga preso. Subalit imbes panghinaan ng loob, si Mandela ay lumaban hanggang siya ay maging pinakatanyag na bilanggong politikal sa buong mundo.

Sa loob ng bilangguan ay niyakap ni Mandela an g mapayapang uri ng pakikibaka na siyang nagdala sa ANC at kanya sa tagumpay. Apat na taon matapos palayain noong 1990 si Mandela ay nahalal na pangulo ng South Africa.

Sa kanyang panunungkulan sa poder ay walang ipinakitang galit si Mandela sa mga taong nagpakulong sa kanya. Bagkus ay hinikayat niya sila na makipag-tulungan sa kanya na siyang naging daan para magkaroon ng pagkakasundo ang mga itim at puti sa South Africa.

Bukod siguro kay Gandhi ng India at Martin Luther King ng U.S., ay walang makabagong lider ang naging matagumpay sa pamamgitan ng mapayapang paraan ng pagkilos. Ang ipinakitang giting ni Mandela ay inaasahan ng marami na mahirap pantayan.

Ang apartheid ay isang sistema na ipinairal sa South Africa mula 1948 hanggang 1994. Inihihiwalay ng sistemang ito ang mga itim sa puting South Afrikaner. Ang una ay tinuturing na segunda klaseng mamamayan dahil sa kulay ng kanilang balat.

Ang sistemang apartheid ay halos katulad ng racial segregation na ipinairal sa United States nuong dekada 50 hanggang 60. Kabilang sa mga lider na na sumuporta sa apartheid ay sina Ronald Reagan ng U.S. at Margaret Thatcher ng Gran Britanya.

Sumalangit nawa ang kaluluwa ni Nelson Mandela.

* * *

Ang kakapal ng mga mambabatas na nagsasabing magsasampa sila ng impeachment laban sa mga magistrado ng Korte Suprema dahil idineklara ng mga ito na unconstitutional ang pork barrel. Aba kung pork barrel ang habol ninyo sa kongreso ay mabuting huwag na kayong umupo sa poder.

Malinaw pa sa sikat ng araw ang kakapalan ng mukha ng mga ito naturingang naniniwala pa kuno ang sa tuwid na daan ng kasalukuyang administrasyon.

* * *

Kung ibig ninyong maligo sa isang pribadong hot spring ay pumunta kayo sa Infinity Resort, Indigo Bay Subdivision, barangay Bagong Kalsada, Lungsod ng Calamba. Malapit lamang ito sa Metro Manila at mula rito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Kontakin ninyo si Gene Lorenzo sa [email protected] para sa karagdagang impormasyon.

Nelson Forte FLores

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *