Friday , November 22 2024

P2 fare hike hirit ng transport groups

PLANONG maghain ng petisyon ngayong linggo ang ilang transport groups para hilingin sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang dagdag-singil sa pasahe, sa gitna nang panibagong oil price hike.

Ayon sa grupo, target nila ang karagdagang P2.00 sa kasalukuyang minimum fare na P8.00.

Sinabi ni Efren de Luna, pangulo ng Alliance of Concerned Transport Organizations (ACTO), ang panibagong petisyon ay hiwalay pa sa P0.50 provisional fare increase na nauna nilang hirit sa LTFRB.

Ngayong linggo rin ikinakasa ng ilang militant transport group ang isang kilos protesta laban sa sunod-sunod na pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Una nang nagpatupad ng P1.35 kada litrong pagtaas sa diesel at P0.35 sa gasolina ang mga kompanyang Petron, Shell, Phoenix Petroleum at PTT Philippines.

Bukod dito, may P1.20 kada litro pang umento ang Petron at Shell sa kerosene.

Ayon naman kay LTFRB chairman Winston Ginez, tiniyak niya sa publiko na walang manmgyayaring fare increase hanggang sa katapusan ng taon dahil kapos na sila panahon sa pagtalakay sa nakabinbing mga petisyon.                (HNT)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *