BUONG-PUSONG nagpasalamat ang mga residenteng nasalanta ng supertyphoon Yolanda sa northern Cebu sa pangunguna ng kani-kanilang mga mayor dahil sa tulong-pinansyal na ipinagkaloob sa kanila ni Mandaue City Mayor Jonas Cortes.
Napag-alaman na NAGPASA NG ORDINANSA ang Mandaue City Council na binigyan ng awtoridad si Mayor Cortes na magbigay ng FINANCIAL ASSISTANCE sa 15 local government units sa northern Cebu at limang LGUs sa lalawigan ng Leyte na umaabot sa P8 million.
Ayon sa isang mapagkatiwalaang source, nagbigay ng P550,000 si Mayor Cortes kay Borbon Mayor Bernard “Butch” Sepulveda at sinabi naman ng huli na marami ang matutulungan na mga residente na nawasak ang mga bahay sa nagdaaang supertyphoon Yolanda.
“Dako gayud kaayo ang among kalipay nga Borbonanon nga ang atong mga opisyal sa Mandaue mipaabot sa ilang tabang (Malaking-malaki ang kaligayahan naming Borbonanon sa ginawang pagtulong ng mga opisyal ng siyudad ng Mandaue),” pahayag ni Meyor Sepulveda.
Nagkaroon ng kasunduan ng pagkakapatiran ang siyudad ng Mandaue at ang bayan ng Borbon noong nakaraang taon at bilang taga-Borbon ay MALAKI RIN ANG PASASALAMAT ko kay Mayor Cortes.
Nagpahayag din ng KASIYAHAN si Sogod Mayor Lissa Marie “Moonyeen” Durano-Streegan kabilang ang kanilang bayan sa tinulungan ng siyudad ng Mandaue.
Samantala, ang bayan naman ng Tabogon ay makatatanggap ng P300,000, ayon kay Ma-yor Zigfred “Dodong” Duterte.
Sinabi naman ni San Remigio Mayor Mariano Martinez na makatatanggap din sila ng P400,000. Ganito rin ang HALAGA na itutulong ng siyudad ng Mandaue sa bayan ng Medellin, dagdag ni Mayor Ricardo Ramirez.
Ang iba pang tinulungan ni Mayor Cortes ay ang bayan ng Daanbantayan, sa pamamagitan ni Mayor Augusto Corro, P550,000; ang siyudad ng Bogo P600,000; at ang mga bayan ng Sta. Fe at Madridejos ay tig-P400,000 na TULONG-PI-NANSIYAL.
NAGLAAAN DIN ang pamahalaang lungsod ng Mandaue ng P600,000 para sa Tacloban City, at Ormoc City, P250,000 para sa bayan ng Alang-Alang; P250,000 para sa bayan ng Albuera; at P300,000 para sa bayan ng Palo, Leyte.
Junex Doronio