Monday , May 5 2025

Gov’t inutil sa LPG, oil price hike

120413_FRONT

AMINADO ang pamahalaan na mistulang nakatali ang kamay nila sa harap ng malakihang pagtaas ng presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) at presyo ng produktong petrolyo ng mga kompanya ng langis.

Ayon kay Energy Sec. Jericho Petilla, deregulated ang oil industry kaya’t walang magagawa ang pamahalaan lalo na kung ang dahilan ng pagtaas ng presyo ay mula sa pandaigdigang pamilihan.

Tanging magagawa aniya ng gobyerno ay i-monitor lamang ang presyo kung may batayan o justified ang ginawang pagtaas ng mga kompanya ng langis.

Sa monitoring ng kagawaran, mayroon justified  habang  mayroon  kwestyonable kaya’t pinagpapaliwanag ng Energy Department.

Iimbestigahan din aniya ng pamahalaan ang napaulat na artificial shortage at artificial demand na sinasabing dahilan ng bigtime price hike.

“I would like to investigate this on both sides: artificial shortage and artificial demand,” ayon kay Petilla.

Binigyang-diin ng kalihim na hindi ito ang pinakamataas na presyo ng LPG sa bansa dahil noong 2012 aniya ay umabot sa lagpas P1,000 ang bawat 11 kilogram na tangke, na sa kalaunan ay bumaba naman ang presyo.

Magugunitang tumaas ng hanggang sa P14.30 bawat kilo ang presyo ng LPG na ngayon ay kulang P1,000 na ang presyo ng isang 11-kilogram/tangke ng LPG.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Comelec Vote Buying

2 kapitan umangal sa vote buying vs Cong sa Aklan

IBINULGAR ng dalawang barangay chairman na nagsampa ng disqualification case laban kay Aklan 2nd District …

Move it

TWG sa Move It: Itigil operasyon sa Cebu at CdO

PINATAWAN ng Motorcycle Taxi Technical Working Group (MC Taxi TWG) ng parusa ang Move It …

Sara Duterte

Kaya nag-endoso ng kandidatong senador
VP SARA ‘TAGILID’ SA IMPEACHMENT

NANINIWALA ang abogadong si Atty. Antonio Bucoy na nararamdaman ni Vice President Sara Duterte na …

050225 Hataw Frontpage

Sa SCTEX toll plaza
12 PATAY, 28 SUGATAN SA KARAMBOLA NG 5 SASAKYAN

HATAW news Team HINDI bababa sa 12 katao ang naiulat na binawian n buhay habang …

PAPI Senate Survey

Bong Go, Marcoleta, at Tulfo Nanguna sa Kalye Survey ng mga Motorista at Mamimili sa Palengke

Nanguna sina Senator Bong Go, Rep. Rodante Marcoleta, at broadcaster Erwin Tulfo sa isang kalye …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *